Bata, matanda o kahit propesyunal, lulong na sa e-sabong!
ni Ka Ambo - @Bistado | November 23, 2021
HABANG abala ang lahat sa pandemic at eleksiyon, aba’y lingid sa kaalaman ng ilan, namamayagpag ang ala-monster kontra moralidad.
Ito ang e-sabong!
◘◘◘
MARAMI ang lulong sa e-sabong kasama na ang ilang alagad ng batas na umaaming nakagawa sila ng krimen dahil sa pagkasugapa sa e-sabong.
Mas kaawa-awa ang ordinaryong tao na ipinansusugal ang pambili ng bigas gamit ang apps sa selpon!
◘◘◘
IBINABALA ito mismo ni dating Speaker Peter Alan Cayetano.
Ibinunyag nito na delikadong lumala ang sitwasyon dahil sa panukalang-batas na nagpapasigla ng sistemang ito ng sugal!
◘◘◘
NOONG nakaraang linggo, ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang House Bill No. 10204, na naglalayong magbigay ng 25-taong prangkisa sa Visayas Cockers Club, Inc. para makapagtayo ng mga offsite betting stations sa bansa.
Kung maipapasa ito sa ikatlong pagbasa, ang Visayas Cockers Club Inc. ay magiging pangalawang licensed e-sabong operator sa Pilipinas!
◘◘◘
NAUNANG nabigyan ng prangkisa ang Lucky 8 Star Quest, Inc. kamakailan.
Napakalaking problema nito dahil sa halip na tutulan ng gobyerno ang paglipana ng electronic gambling, mukhang isinusulong pa ito!
◘◘◘
SINASABING kokolekta ang gobyerno ng P2.8-B sa e-sabong.
Pero, ‘ika nga ni Cayetano, aanhin mo naman ang P2.8-B kung ang kapalit nito ay ang pagkalulong ng ating mga kababayan sa e-sugal!
◘◘◘
WALANG regulasyon ang e-sabong dahil puwedeng ma-access ang “apps” ng kahit sino tulad ng mga bata, propesyunal o kawani ng gobyerno at kahit sinong gustong magsugal via online.
Mas mabuti pa nga ang tupada o sabong sa mga bayan-bayan dahil ito ay regulated ng mga LGU!
◘◘◘
HINDI rin basta makapapasok sa mga casino ang mga kawani ng gobyerno dahil bawal ito pero puwedeng-puwede ang lahat sa e-gambling o e-sabong.
Giit pa ng kongresista na hindi lamang ito religious issue, kundi mahalagang social issue rin!
◘◘◘
KINILALA rin ni Cayetano ang pagkontra nina Manila 6th District Rep. Benny Abante at CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva sa electronic gambling bill na ito.
Sa totoo lang, ang CIBAC Partylist ay nakatanggap ng ulat ng apat ng kaso ng suicide ang naganap sa Central Luzon dahil sa pagkalubog sa utang dahil sa e-sabong!
◘◘◘
MAY kumpirmadong kaso na isang pulis ay mang-hold-up dahil sa pagkalulong sa naturang sugal.
May isa ring estudyante sa Maco, Davao De Oro na inaresto noong Nobyembre 3, 2021 matapos hindi makapagbayad ng kanyang utang na P561, 000 dahil sa e-sabong!
◘◘◘
KAPAG nabuksan na ang e-sabong ay tuluy-tuloy na ito.
Hindi na rin puwedeng pigilin ang paglipana ng e-casino, sports betting at maging ang ending, maging electronic na rin!
◘◘◘
HINDI kalusugan lang ng pisikal na katawan ang dapat prayoridad sa bagong normal.
Dapat pagtuunan na proteksiyon ang maayos na moralidad ng mamamayan!

Comments