Basurang plastic bottles, gagamitin sa kalsada — DPWH
- BULGAR
- 3 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | May 20, 2025
File Photo: Department of Public Works and Highways
May pakinabang sa basura partikular ang plastic bottles dahil hindi na lamang ito ibebenta para magkapera kundi maging sangkap sa paggawa ng mga kalsada.
Inaprubahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng mga basurang plastic bottle bilang dagdag-sangkap upang mas matatag at matibay ang buhay ng mga aspaltong inilalagay sa mga pangunahing lansangan.
Ayon sa DPWH, ang sangkap ng plastic waste ay bahagi na ng kanilang standard specification para sa mga ginagawang kalsada, tulay at maging sa mga ginagawa sa paliparan.
Ang plastic bottles ay ikinukonsiderang polyethylene terephthalate na maaaring sangkap sa paggawa ng mga kalsada.
Sinabi ng ahensya na bahagi ito ng inobasyon sa konstruksyon kung saan ang mga ganitong basura ay malaking bagay para sa paggawa ng mas maraming kalsada sa mga darating na araw.
Comentarios