top of page

Bastos at malaswa raw, kinasuhan… SIGAW NI TONI: KAHIT IPAKITA KO ANG ARI KO, WA' KAYONG PAKIALAM!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 1, 2023
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 01, 2023



Naglabas na ng official statement si Toni Fowler kaugnay ng kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).


Sa mahabang Facebook post ni Toni ay ipinaliwanag at idinepesa niya ang sarili laban sa mga bintang sa kanya.


“Noong Miyerkules, opisyal na isinampa ng KSMBPI ang kaso laban sa akin dahil daw sa paglabag ko sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Ayon sa kanila, nilabag ko ang batas dahil sa tema ng aking kantang MPL, kasama ang mga napanood nila sa music video nito.


“Ayon din sa kanilang media interview, kab*stusan ang kanta pati na rin ang mga “s3x organs” na ipinakita ko daw sa music video.


"Para sa KSMBPI, nais kong punahin at sagutin ang kasinungalingan ninyo sa media," simula ng vlogger.


Paliwanag ni Toni, hindi raw sex organs ang kanyang ipinakita kundi sex toys.


“Una, hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo 'yan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t kriminal ang ikinakaso ninyo laban sa akin.


“Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling,” aniya.


“Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili.


“Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao. Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko - akin ito at hindi sa inyo,” patuloy niya.


Binigyang-diin din ni Toni ang karapatan niya bilang tao at hindi raw siya dapat pagbawalan o punahin sa kanyang kilos at pananamit.


“Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko — gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap.


“Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae.


“Bahagi ng bawat tao ang lib*g, at bahagi ng ating karanasan ang pakikipag-talik at pag-gamit ng s3x toys. Hindi ko na kasalanan kung hindi ninyo ito naranasan o nararanasan dahil hindi ko pipigilan ang aking sarili para lamang sa mga gaya ninyo.


“At kung sakali mang dumating ang araw na ipakita ko ang ari ko o kahit ano mang sensitibong bahagi ng katawan ko sa pelikula man o music video, wala kayong pakielam dahil tulad ng MPL, hindi ko pinilit ipanood sa inyo ang mga ito.”


Nilinaw din ni Toni ang tungkol sa inumin na nakita sa music video na aniya ay hindi raw alak kundi juice.


“Ikaapat, kung nagawa natin magsampa ng kaso, sana ay nagawa din natin mag-research nang maigi dahil may BTS Vlog ang MV ng MPL at doon namin pinakita na pinalitan ng juice ang tequila at wala akong pinainom na alak sa kahit sino pa man sa aking mga nakasama.


“'Daya’ ho ang tawag dito ng mga filmmakers. For artistic purposes ang eksena hindi dahil sa gusto naming i-promote ang pag-inom ng tequila kung hindi reyalidad ito.


“Hindi naman bawal ipakita sa pelikula o TV ang mga bawal sa batas dahil kung ganon, bakit maraming eksena ng p@tayan ang naeere sa prime time, hindi ba?


“Nakakatawang isipin na tila ba hindi nag-e-exist ang salitang “props” o “daya” na ang isang eksena ng inuman ay kailangan alak talaga ang ipainom para ipaliwanag ko pa ito ngayon.


Hindi naman ako ang kauna-unahang gumawa ng ganitong eksena sa balat ng pelikula o telebisyon, pero bakit parang kasalanan ko?” depensa ng content creator.


Idinagdag din ni Toni na wala ring minor na gumawa ng sexual scenes sa music video.


Gayunpaman ay sinabi ng vlogger na haharapin niya ang kasong isinampa sa kanya.


“Sa huli, gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas-noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit 'di ninyo ako pilitin,” pagtatapos ni Toni.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page