Baste sa ICC warrant vs. Bato: May kasama na 'yung tatay ko doon
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 25, 2026

Photo: Rage Coalition - FB Ronald Del Rosa
Malungkot na masaya si Davao City Mayor Baste Duterte kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Sa isang event ng “Rage Coalition” sa Mindanao nitong Sabado, nagbiro si Baste tungkol sa posibilidad na maipadala rin si Bato sa ICC sa The Hague, Netherlands kung saan nakakulong ngayon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Tingnan n'yo anong nangyari sa Senate. Nagputukan. Gusto na naman nila kunin si Bato, ipadala doon sa ICC. Nalungkot ako. At the same time, medyo masaya rin kasi may kasama na ‘yung tatay ko doon, if ever that will happen. It’s a bad joke. It’s a bad joke,” ani Baste.
Ang biro ni Baste ay kasunod ng lumalakas na posibilidad ng ICC arrest laban kay Bato matapos ibasura ng Supreme Court ang hiling nitong TRO.
Kabilang si Dela Rosa sa mga tinukoy na co-perpetrators sa war on drugs ni Duterte. Patuloy rin ang pagtugis sa kanya ng mga otoridad.





Comments