Basta tuloy daw ngayong 2021… ANGEL, ‘DI MASABI ANG DATE NG KASAL NILA NI NEIL
- BULGAR

- Feb 19, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 19, 2021

May nagtatanong kung tuloy ba ang kasal ni Angel Locsin sa fiancé niyang si Neil Arce ngayong 2021.
Dapat ay November 8 last year ang kasal ng celebrity couple, ngunit na-postpone dahil nagkaroon nga ng COVID-19 pandemic.
Napag-usapan nilang i-move this year, 2021, but still, wala pang inilalabas na update sina Angel at Neil sa detalye ng kanilang kasal.
Hanggang ngayon ay patuloy ang paglala ng pandemya at may mga lumalabas pang bagong variant.
Sabi nga ni Neil sa nakaraang interbyu, “We were thinking, should we do it small? But that’s not us, eh. We have a group of friends. We want everyone to be there. We want everyone to have fun.”
Kaya sa mga nagtatanong kung tuloy ba ang kasal nila ni Angel, sey ng actress, “Tuloy naman. Tuloy naman siya. Of course, there’s the threat of the new strain nga, hindi ba? Tapos may mga protocol tayo na dapat sundin para safe po ang lahat. ‘Yun lang ang inaayos.”
Sinabi ng aktres na hindi pa rin nila maia-announce ang date ng kanilang kasal, pero sure daw na ngayong 2021.





Comments