Basta masuwerte raw siya… MELAI, WA' PAKI SA MGA TUMATAWAG SA KANYANG PANGIT

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 3, 2022

Ayaw patulan ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros ang panlalait sa kanya ng mga bashers matapos siyang tawaging pangit.
Unlike Pokwang na nag-react sa mga bashers na sinabihan din siyang pangit, rumesbak naman si Melai pero sa ibang pamamaraan nga lang.
Instead magalit, sa kanyang Visayan dialect, inilahad na lang niya sa kanyang social media account kung gaano siya ka-blessed sa buhay ngayon.
Post ni Momshie Melai, “Para sa mga Sam nga mga Bashers Sam means Samukan Mubalik sa inyuha inyung gipang Ingun sa akoa In Jesus Name, kung maayu inyung gipang Ingun??? Maayu ang mubalik sa inyuha kung ngil ad??? Sama sa inyung nawung??? Ngil ad pod mubalik sa inyuha Esep esep FYI wala kuy time mubasa ug mutan aw sa inyung tiktok maayu pag mangguna mu kaysa mubash mu naku kay ako???? Busy ko sa matarung na butang, kamu????? Busy mu naku? Kaswerte ba naku.”
Ang salitang Bisaya na “sam” ay tumutukoy sa mga nakakainis na tao. At ang ibig sabihin ni Momshie Melai sa kanyang post, ibabalik niya ang sinabi sa kanya ng mga bashers kabilang na rin ang pagtira sa kanyang hitsura.
Sabi pa ni Momshie Melai, abala siya sa maraming mas importanteng bagay sa kanyang buhay. Kaya, wala siyang oras para paglaanan ng pansin ang mga pamba-bash sa kanya thru videos na ipinost sa Tiktok.
Para sa kanya, masuwerte na siya at binibigyan ng pansin ng mga bashers niya.
Isa si Momshie Melai sa mga Kapamilya stars na patuloy pa ring napapanood sa programa ng ABS-CBN especially sa Magandang Buhay sa kabila ng pagkawala ng franchise ng network at kung saan kasama pa rin niya si Jolina Magdangal at special co-host na si Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Ang Magandang Buhay ay napapanood mula Lunes hangganng Biyernes bago mag-It’s Showtime sa A2Z Channel 11 at digitalized Channel 20, gayundin sa iba’t ibang online platforms ng ABS-CBN.





Comments