Basta maganda raw sa paningin ng mister niya… "YES, MALAKI AKO. EH, ANO NAMAN NGAYON?" — ANGEL

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 1, 2022

Hindi naba-bother si Angel Locsin kung malaki man siya ngayon although ina-acknowledge naman niya ito.
“I’m acknowledging, yes, malaki ako. Eh, ano naman ngayon?” diretso niyang sabi sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz.
“Bakit, may kawalan ba?” dagdag pa niya.
Pinagtatawanan na nga lang ng aktres ‘yung mga mga body-shamers na wagas kung makalait sa katawan niya.
“Minsan, kung makalait pa ‘yung iba, titingnan ko ‘yung profile picture, ‘Excuse me naman sa ‘yo, ha?’” natatawa niyang sey.
“Siyempre, alam mo ‘yun, parang ayaw mo namang manlait ng tao, 'di ba? Parang. . . 'Okay, sige, excuse me naman, ha?’ Mapapa-smile lang ako na parang ‘Okay, ouch, nahiritan ako.’ Pero pagtingin mo ng profile pic, ‘Okay lang,’” natatawa pa rin niyang sabi.
When asked if she’s trying to lose weight, sagot niya, “I’m trying but I’m not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko ‘yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon. I don’t really care.
“What I mean is I don’t care kung ano’ng opinyon ng ibang tao. Okay ako, eh. Ang ganda ko sa paningin ng asawa ko,” sabay tawa.
Dagdag pa niya, hindi raw nasusukat ang pagiging Angel Locsin niya sa kanyang weight.
“Darating din tayo diyan. Kung papayat ka, papayat ka. But it’s not an issue. Parang ang pagiging Angel Locsin ko ay hindi nasusukat kung gaano ako kabigat. Alam ko, ang dami kong na-prove sa sarili ko, sa ibang tao. So, okay na ko ru'n,” pahayag ng aktres.





Comments