Basta join uli sa serye ng aktor… LORNA, PAYAG MAGING LOLA NI COCO
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 23, 2023

Nakatsikahan din namin si Miss LT sa nasabing grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters at isa rin siya sa masayang-masaya for Miss Rei Tan.
Isa rin si Lorna sa mga pioneer ambassadors ng Beautederm at nasaksihan din niya ang unti-unting paglaki ng nasabing kumpanya. Aniya ay deserved daw lahat ni Miss Rei ang tagumpay nito dahil sa sipag, tiyaga at buti ng kalooban nito.
Anyway, natanong si LT kung nami-miss ba niya ang grupo ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na 5 years din niyang nakatrabaho at kung hindi ba siya sa ka-join sa FPJ’s Batang Quiapo.
“Hindi ko naman ine-expect, pero parang sa tingin ko, lahat yata ng nakasama niya sa FPJ’s Ang Probinsyano, unti-unti niyang ipapasok sa Batang Quiapo. Tingin ko lang, kasi ‘yun ang pagkakakilala ko kay Coco,” sey ni LT nang makatsikahan namin sa grand opening ng Beautederm Corporate Headquarters last Saturday.
Hindi pa naman daw siya inaalok ni Coco at siyempre, depende pa rin daw kung may babagay na role sa kanya. Pero kung aalukin siya, siyempre ay papayag siya especially kung magtatagal dahil masaya raw kasama sa set ang team ni Coco na as we all know ay matagal niyang nakasama sa FPJAP.
When asked kung payag siyang maging kontrabidang muli, aniya ay kahit anong role ay okay sa kanya.
“Kahit ano, basta may work, kahit lola niya (Coco),” natatawa niyang sey.





Comments