Basta hapi raw ang padir, Aiko… ANDRE, APRUB SA KASAL NINA JOMARI AT ABBY
- BULGAR
- Nov 6, 2022
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 6, 2022

May pagka-comedian ang guwapong anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre.
Sa presscon ng bagong university series sa Wattpad na The Rain in España, napaka-witty niyang sumagot na ikinatuwa ng entertainment press.
Para kay Andre Yllana, hindi bentahe ang pagkakaroon ng celebrity parents. In fact, may pressure on his part dahil malaki ang expectation sa kanya ng lahat. Kailangan na mapantayan niya ang galing ng kanyang mga magulang sa pag-arte. Hindi maiiwasan na maikukumpara siya kina Aiko at Jomari.
Naitanong din namin kay Andre kung okey ba sa kanya na magpapakasal na ang kanyang Papa Jomari sa karelasyong si Abby Viduya.
Walang bakas ng bitterness nang sumagot si Andre tungkol dito, "Basta po maligaya sila, walang problema kung magpapakasal na sila. Okey naman ang relasyon namin ni Papa.
Nagkakausap kami at may regular na communication. 'Yung ibang kapatid ko na lang ang kanyang tulungan. Ako naman ay nakatapos na sa aking kurso at may trabaho na. Hindi na niya kailangang sustentuhan!”
Well, lumaki nga itong si Andre Yllana na hindi nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ama kahit hindi niya ito nakapiling sa mahabang panahon. Hindi siya naging rebelde at pasaway. At may goal sa buhay kaya nagsisikap.

Parehong artista ang parents ni Andre kaya sa showbiz din siya lumilinya ngayon.
Maganda ang exposure ni Andre sa The Rain in España na mula sa direksiyon ni Theodore Boborol at produced ng Viva Entertainment.
Gaganap si Andre bilang si Adonis, ang loyal friend nina Luna (Heaven Peralejo) at Kalix (Marco Gallo) na laging nakasuporta sa dalawa.
Ang The Rain in España ay binubuo ng six love stories mula sa panulat ni Gwy Saludes. May 550M reads na ang nasabing university series.





Comments