Basta hapi ang GF… JAK, TANGGAP NA MAY KAHATI KAY BARBIE
- BULGAR
- May 31, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 31, 2023

Tapos na ang shooting sa Seoul, South Korea nina Barbie Forteza at David Licauco. Doon kinunan ang mga eksena para sa pelikula nilang That Kind of Love na produced ng Pocket Media Productions at idinirek ni Irene Camarillo.
Nagkaroon ng free time si Barbie na mamasyal at mag-ikot sa Seoul, Korea. Ganoon din ang ginawa ng ibang kasama nila sa naturang movie. At pati si David ay nag-enjoy din sa pamamasyal.
Pagbalik ng dalawa sa 'Pinas, tiyak na magiging abala na naman sina Barbie at David sa kanilang mga commitments.

Request ng kanilang mga BarDa fans ay muli nilang mapanood na magkasama ang dalawang Kapuso artists sa isang teleserye. Nami-miss na raw kasi ng mga ito ang kulitan nina Barbie at David.
May mga fans club na sa iba't ibang probinsiya ang tambalan ng dalawa. Patuloy na lumalakas ang kanilang hatak sa mga fans kaya may mga endorsements na sila ang gustong makitang magkasama.
Wala namang problema sa boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto ang pagkakaroon ng on-screen love team ng kanyang dyowa.
Basta para sa ikabubuti ng career ni Barbie, okay lang sa Kapuso actor na itambal ang girlfriend kay David at kahit sa iba pang aktor.





Comments