top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Basketball player na karibal kay Julia… LUKA DONCIC, SINIGAWAN NI GERALD NG 'BOO!'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 10, 2023



Suportado ni Gerald Anderson ang pagkakaroon ng crush ng girlfriend na si Julia Barretto sa guwapong Slovenian basketball player na si Luka Doncic dahil talagang isinama niya ito sa FIBA World Cup 2023 para manood ng game nito.


Makikita sa latest vlog ni Gerald ang panonood nila ni Julia ng Phils VS Canda basketball game sa Mall of Asia Arena kasama ang ilang kaibigan.


Ibinili pa ng aktor ang girlfriend ng jersey ni Luka na makikitang suut-suot ng aktres all throughout the game.


Nakakatuwa na nagkita-kita sila sa MOA nina Yassi Pressman at mag-asawang Aga Muhlach and Charlene Gonzalez. Makikita sa video na nagbesohan at nagbatian silang lahat.


Habang nasa sasakyan papunta sa MOA ay pabirong sinabi ni Julia na normal lang daw ang kanyang nararamdaman at nangakong ‘no freaking out’ kapag nakita si Luka.


Pero habang nanonood ay hindi natupad ni Julia ang promise dahil panay ang sigaw niya ng “Lukaaahhhh!” In fairness, kalma lang naman ang pagsigaw ng aktres at hindi naman malakas.


Sa isang bahagi ng video ay makikitang nagtatatalon pa si Julia nang maka-shoot si Luka habang si Gerald naman ay pabirong nag-"Boo!"


Pero kilig naman ang parteng sinabi ni Julia na, “Siya pa rin” sabay-turo sa katabing boyfriend.


Priceless ang ngiti ni Gerald nang sinabi ito ng GF.


‘Yun nga lang, na-eject si Luka sa game at makikita sa vlog ang pagkalungkot ni Julia.


After the game ay tinanong ni Gerald si Julia kung ano ang masasabi nito sa pagiging reklamador ni Luka at sabi ng aktres, “I love you pa rin.” Hahaha!


Sa comment section ay natuwa naman ang mga fans ni Julia na finally ay nakita na ng aktres ang crush at iniidolong basketball player. Pinasalamatan din nila si Gerald for bringing Julia at the game.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page