Basket Of Gold, wagi sa Handicap System
- BULGAR
- Sep 11, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 11, 2023
Maagang nagsitama ang ibang dehadista matapos manalo ni Basket Of Gold sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.
Umarangkada sa largahan si Runaway Ten at Gethsermanesmiracle para maglutsahan ang dalawa habang nasa malayong tersero si Basket Of Gold.
Naging mabilis ang bakbakan nina Runaway Ten at Gethsermanesmiracle kaya naiwanan nila si Basket Of Gold na nanatili sa tersero puwesto.
Sa far turn ay lumalapit na sa unahan ang Basket Of Gold na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee na si Jonathan Basco Hernandez.
Pagsapit ng huling kurbada nakakapit na si Basket Of Gold sa Runaway Ten at Gethsermanesmiracle at sa huling 100 metro ng karera ay umungos na ang winning horse.
Tinawid ni Basket Of Gold ang finish line ng may dalawang kabayong agwat sa pumangalawang Nards Bentetres, tersero ang Melania habang pumang-apat ang Nicole's Favorite.
Inirehistro ni Basket Of Gold ang tiyempong 1:26.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si PKTC Uy ang P10,000 added prize.
Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) kung saan ay may walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).





Comments