top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Basilan, 'di pinaporma ang Pagadian sa VisMin Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2021
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | November 27, 2021




Kumawala ang Basilan Peace Riders sa dikitang labanan sa second half tungo sa 82-76 panalo kontra host team Pagadian para manatiling malinis ang marka sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao Challenge Huwebes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga Del Sur.


Sa unang laro, naitala ng Kapatagan ang unang panalo sa tatlong laro nang gapiin ang Iligan, 82-78. Matapos ang first half na tabla ang iskor, umariba ang Basilan sa dominanteng 20-5 run, tampok ang driving lay-up ni Ar Raouf Julkipli para hilahin ang bentahe sa 15 puntos, 61-46, may 4:20 ang nalalabi sa laro.


Nagawang maibaba ng Explorers ang kalamangan sa 54-63 at 62-69 subalit kapos na ang oras para makabangon ang Pagadian na bumagsak sa 2-2 karta.


Nangunguna ang Basilan sa 3-0. "Problema talaga namin noong first half hindi namin ma-break 'yung press defense nila," ayon kay Basilan head coach Ron Jalmanzar. "Gumawa kami ng way noong halftime ayun gumana naman."


Nanguna si Dennis Daa sa Basilan sa naiskor na 18 puntos at anim na rebounds, habang kumana sina Nikko Panganiban at Junjie Hallare ng tig-15 puntos. Kumubra si Judel Fuentes sa Explorers na may 23 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page