top of page
Herlene Budol - IG.jpg

Bashers, inasar… JINKEE, PINAYUNGAN NG BODYGUARD, NA-BASH, RUMESBAK

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 2, 2026



Jinkee Pacquiao - IG

Photo: Jinkee Pacquiao - IG



Isang video ang kumakalat sa social media kung saan pinapayungan si Jinkee Pacquiao ng kanyang bodyguard habang papunta sa pickleball gym.


Ang naturang video, na may petsang Oktubre 17, ay isa lang sa mga ibinabahagi ni Jinkee sa kanyang social media tungkol sa kanyang aktibong lifestyle at pagkahilig sa pickleball.


“Kasi nag-discuss kami, ‘yung na-bash kami sa mga payung-payong,” kuwento niya.

Dagdag pa niya, “Na-bash kami sa payung-payong. ‘Di po namin intensiyon na payungan ako ru’n.”


Pabiro pa siyang sumingit ng “Char (joke), nagalit!” 


Ayon kay Jinkee, kusa lamang na nagdesisyon ang kanyang bodyguard na payungan siya at hindi niya ito inutusan na gawin iyon hanggang sa makarating sila sa gym.

Aniya, “S’ya [guard] lang ‘yung nagpumilit na payungan ako, ‘di ko naman sinabing payungan ako hanggang du’n sa gym kaya ‘di ko napansin.


“Pero kung alam ko lang ‘yu’n, sabihan ko s’ya na, ‘Bakit ka napayung-payung, ‘di naman umuulan?’ OA (overacting) lang ‘yung bodyguard ko.”


Nilinaw din ni Jinkee na ang mister mismo niya ang nagtalaga ng bodyguard para sa kanya.

Aniya, “Ini-assign ‘yun ni Manny. ‘Di ako nag-aano (pumipili) ng bodyguard.”

Pero tila hindi na lamang basta paliwanag ang naging tugon ni Jinkee sa mga bumatikos sa kanya.


Noong Oktubre 30, nagbahagi siya ng panibagong video kasama ang kanyang grupo na tila ginawa nang katuwaan ang kontrobersiya tungkol sa payong.


Sa naturang video, makikitang magkakapares ang mga kasama niya, kung saan may isang nagpapayong at may isa namang pinapayungan. Sabay-sabay pa nilang binigkas ang “Ang payong!” habang nagtatawanan.


Maririnig din si Jinkee na nagbibigay ng tila instruksiyon sa kanyang mga kasama, “Ayusin ang pagpayong!”


May isa pa sa grupo ang pabirong nagsabi ng “Thank you sa mga bashers, ha? Nagpayong kami.”


Sa pagtatapos ng video, maririnig naman si Jinkee na nagsasabing “Thank you sa mga props.” 





2 taon na… RESTO NI MARVIN, KINILALA ULI NG MICHELIN GUIDE



ISA na namang karangalan ang nakamit ng aktor at negosyanteng si Marvin Agustin matapos muling kilalanin ng prestihiyosong Michelin Guide ang restaurant niyang Cochi.


Sa ikalawang sunod na taon, napabilang ito sa mga restaurants na ginawaran ng Michelin Bib Gourmand distinction, isang pagkilalang ibinibigay sa mga kainan na naghahain ng de-kalidad na pagkain sa makatwirang halaga.


Ibinahagi ni Marvin ang magandang balita sa kanyang Instagram (IG) account.

“For the second year in a row, COCHI By Marvin has been awarded the MICHELIN Bib Gourmand!” post ng aktor.


Hindi rin kinalimutan ni Marvin na bigyang-pugay ang kanyang mga kasamahan dahil para sa kanya, bunga ito ng sama-samang pagsisikap ng buong team.


Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa mga netizens at tagahanga ng aktor. May ilan pang nagpahayag na bibisitahin nila ang Cochi sa susunod nilang pag-uwi sa Pilipinas, habang ang iba naman ay excited na sa kanilang nakatakdang reservation.


Unang nakatanggap ng naturang pagkilala ang Cochi noong Oktubre 2025 at ngayong 2026 ay muli itong napabilang sa listahan.


Matatandaang nang unang makamit ang Michelin recognition, ibinahagi ni Marvin ang kanyang pinagdaanan bago marating ang tagumpay na ito.


Mula sa pagiging mascot hanggang sa pagkakaroon ng restaurant na kinilala ng Michelin, hindi raw naging madali ang kanyang paglalakbay.


“From being a mascot to receiving a Michelin Bib Gourmand — life has shown me that dreams do come true. There were moments I almost gave up. But I learned that in your toughest times, that’s when you need to hold on tighter,” saad niya noon.

Dagdag pa niya, “Never stop believing — especially in yourself.”


Hindi lamang sariling tagumpay ang ipinagdiwang ni Marvin kundi pati ang pag-unlad ng culinary industry sa Pilipinas, kung saan binati rin niya ang mga chefs, restaurant teams at iba pang personalidad na naging bahagi ng naturang pagkilala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page