Basheirrou, kinabiliban sa Calixto Cup, Malvar
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 13, 2022
Hinangaan ng mga karerista si Basheirrou matapos manalo sa "Pasay City Representative Calixto Cup" na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, noong Linggo ng gabi.
Sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo, inirehistro ni Basheirrou ang 1:37.8 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horseowner ang 300,000 na premyo.
"Ang husay ni Basheirrou, humanga ako sa ipinakita niyang takbo, sana isabak siya sa mas malaking laban," saad ni Alberto Ledesma, veteran karerista.
Dumating na segundo si Gomezian, nasungkit nito ang P112,500 habang tig-62,500 at P25,000 ang third at fourth placers na sina Don Julio at Eazacky ayon sa pagkakasunod.
Umarangkada agad sa unahan si Basheirrou paglabas ng aparato at hinawakan nito ang tatlong kabayong distansiya pagdating sa kalagitnaan ng karera.
Dahil sa tulin ay hindi natinag sa unahan si Basheirrou at tinawid nito amg meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang Gomezian.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.





Comments