top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Barons, itinumba ang Delta; Republicans magiting sa NBL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 2, 2022
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 2, 2022



Ginulantang ng Quezon Barons ang buong 2022 National Basketball League (NBL) President’s Cup matapos patumbahin ang defending champion Pampanga Delta, 94-77, sa tampok na laban, Sabado nang gabi mula sa Bren Z. Guiao Convention Center ng San Fernando City. Sa unang laro, naglabas ng talas ang DF Bulacan Republicans upang iligpit ang Laguna Pistons, 98-82.


Nakasabay lang ang Delta sa first quarter na nagwakas na isang puntos lang ang lamang ng Barons, 23-22. Sinimulan nina Domenick Vera at Christopher Lagrama ang 2nd quarter sa magkasunod na three-points, 29-22, patungo sa 45-34 lamang sa halftime at mula roon ay dominado ng Quezon ang laro at hindi man lang pinalapit ang Pampanga.


Nagtapos si Vera na may 21 puntos. Sumunod si Lagrama na may 17 puntos sa bihirang pagkakataon na ginamit siya ni Coach Jonas Guiao bilang reserba habang double-double si Alex Ramos na may 15 puntos at 10 rebound.


Halos isang buwan ang pahinga ng Bulacan subalit nanatili pa rin ang kanilang porma upang pagbutihin ang pag-asa na mapabilang sa apat na papasok sa semifinals.


Kumapa sa simula ang Republicans at pinalamang ang Pistons, 16-10, subalit kumilos sina Ryan Spencer Operio, Marvin Moraga at Marlon Monte upang maagaw ang lamang at lumayo, 21-16, at hindi na sila nagpreno.


Dalawang magkasunod na buslo nina Joseph Celso at Monte ang nagbigay sa Republicans ng kanilang pinakamalaking lamang papasok sa huling apat na minuto, 92-73.


Huling naglaro ang Bulacan noong Abril 3 kung saan tinalo sila ng Taguig Generals, 103-91, ang kanilang nag-iisang pagkabigo sa ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page