top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Baron, tinawag na ‘retarded’... BELA, SAKIT DAW NG ULO NG PRODUKSIYON, ISINUMBONG SA MGA BOSSING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 24, 2026



SHEET - BELA, SAKIT DAW NG ULO NG PRODUKSIYON, ISINUMBONG SA MGA BOSSING-IG _bela

Photo: IG _bela



“When you give it your all pero ‘di man lang pala s’ya day ender,” ito ang cryptic post ni Bela Padilla sa kanyang Instagram (IG) Stories kamakailan.


Ang tinutukoy ng aktres dito ay ang seryeng Blood vs. Duty (BVD) kung saan isa siya sa mga lead stars kasama sina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Barbie Imperial at Gerald Anderson na napapanood sa Kapamilya Channel, iWant, A2Z, ALLTV at Netflix.


Sa Showbiz Update (SU) nina Ogie Diaz kasama si Mama Loi, Ate Mrena at Tamerlane Mopia na in-upload nitong Biyernes nang hatinggabi, ikinuwento na tila may problema si Bela sa produksiyon ng BVD.


“Kasi feeling n’ya (Bela), sobrang husay n’ya sa eksenang ‘yun. Kung bakit naman inaabangan n’ya na maging day ender ‘to, eh, ‘di naman pala nangyari ‘yung kanyang inaasahan samantalang ginawa na n’ya ang lahat?” sey ni Ogie.


Hirit pa ulit ng host, “Kailan pa kumukuwestiyon ang mga artista kung sino dapat ang day ender? Ang editor ang gumagawa n’yan.”


Mas magkakaroon pa raw ng isyu, “Kung ginawa mo ang lahat, tapos ‘yung eksenang ‘yun, ‘di ipinalabas. Bakit nagrereklamo si Bela kung bakit ‘di s’ya ang day ender?”


Nabanggit din ni Ogie ang pangalan ni Baron Geisler na hindi rin daw sila okay ni Bela kahit madalas silang magkaeksena dahil may lihim silang dalawa na hindi alam ng ahensiyang pinagsisilbihan nila.


Sey ni Ogie, “Ang tinu-tino na ni Baron, hindi naman daw napapansin sa set na umiinom.

“Tatanungin din kita, Bela, totoo bang namutawi sa bibig mo ang ‘retarded’ si Baron? Bela, ang lahat ng ito ay nakarating lang sa amin.”


Isang reklamo sa aktres ng produksiyon ang nakarating daw sa top management. Bakit kailangan daw itong makarating pa, hindi ba ito kayang ayusin sa production?

Bukas ang BULGAR para sa panig ni Bela Padilla.





WALANG binanggit na mga pangalan ang tatlong news anchors ng TV Patrol (TVP) na sina Karen Davila, Bernadette Sembrano at Alvin Elchico sa running joke nila na napanood nitong Biyernes, pero tiyak na gets na ng mga netizens kung sino ang bida sa blind item nila.


May sarili silang private joke. Tanong ni Alvin kay Karen, “Pupunta ako ng Pampanga bukas, sabay ka?”


Tila hindi makuha ni Bernadette ang biruan kaya nakangiti siyang nakatingin sa dalawa.


Sagot naman ni Karen, “Nanggaling ako kanina.”

Tumatawang sagot ni Alvin, “Isasabay na kita, eh,” sabay hawak ni Alvin sa braso ni Karen bilang senyales. 


Sey nito, “Alam mo, Senator…” 


“Pero kotse mo dapat?” tanong ni Karen kay Alvin.

“Oo, tamang-tama, Fortuner din,” sabay tawa ni Alvin.

“Pahatid ako sa Makati, du’n ako nakatira,” sambit ni Karen.

“Hahaha! Sakay naman s’ya (Karen), pero oo nga, seriously speaking, we all deserve to eat this weekend dahil mahaba ang linggo natin, halu-halo,” say ni Alvin.

Finally, sumagot si Bernadette, “Kailangan po nating mag-rest.”

Hirit ulit ni Karen, “And you deserve naman na makisakay.”


Natawa si Alvin, “Gusto mo talaga ‘yun, ha?”


“Puwede ka namang makisakay kay Ate B (Bernadette), tipid sa gasoline,” giit ni Karen.


“Mas maganda ang sasakyan n’ya,” sabi ni Alvin sabay turo kay Bernadette.

Depensa ni Badette, “Kasi matipid, ah, usapang matipid lang ‘yung sasakyan, baka akala nila, luxury car.”


Ayaw paawat ni Alvin, “Pero kung nandu’n kami, kukumustahin mo kami kasi sasama ang loob namin kung ‘di mo kami kinumusta?” sabay tingin kay Bernadette.

“Oh, mag-text ka!” sabi pa ni Karen.

“‘Wag kang iiyak,” sabay turo ni Ate B.


At sabay sabi nina Alvin at Karen na nagbibiro lang sila sa mga usapan nila.

“Talagang puwede tayong mag-splurge this weekend because we all deserve it kasi stressful ang buong linggo, partner, ‘di ba?” tanong nito sa dalawang lady anchors.

“Stressful ‘di lang po sa aming tatlo kundi sa buong sambayanang Pilipino,” saad ni Karen na sinang-ayunan ni Alvin.


“Maraming nanonood ng balita na galit, ‘yung iba, ayaw nang manood, pero kailangang kalma lang,” saad ni Bernadette Sembrano.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page