Baron, aminadong napalitan ni John Lloyd
- ffernandoangela
- Apr 1, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | April 1, 2024

Nakapanayam ng TV host na si Luis Manzano sa kanyang vlog na ‘Luis Listens’ ang aktor na si Baron Geisler kamakailan.
Isa ang naging panayam na ito ni Luis sa kanyang vlog na very authentic at straightforward ang naging usapan kung paano naging kampante nu’n si Baron na babalik sa kanya ang chances sa buhay nu'ng panahong nag-uumpisa siyang malulong sa bisyo.
Inusisa at sinuyod nga ni Luis ang naging buhay ni Baron at kung paano siya unti-unting sumandal sa ipinagbabawal na gamot at nag-bounce back sa kanyang career.
Pagbabahagi ni Baron, dahil bata pa siya nu'ng simulang nalulong sa bisyo, inakala niyang mabibigyan pa siya ng chances ngunit nawala raw sa kanya ang lahat.
Mas kinarir pa raw ng aktor ang masamang bisyo lalo sa panahong napapalitan na siya ng aktor na si John Lloyd Cruz na bumida sa romantic-comedy films.
Hindi naman ito ang naging katapusan ng journey ni Baron sa industriya ng showbiz dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili at magkaroon ng mga shows na very successful dahil na rin sa tulong ng kanyang magaling na pagganap.
Inulan nga ng papuri ang naging matapang na pagkukwento ng aktor ng kanyang buhay dahil totoong tao raw ito at paulit-ulit na tumatayong muli galing sa pagkakadapa.





Comments