Barko ng China sa WPS, dapat umalis na!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 12, 2021
SANA UMALIS NA ANG MGA BARKO NG CHINA SA WEST PH SEA PARA MAGKAROON NG KALAYAAN ANG MGA MANGINGISDANG PINOY—Independence Day o Araw ng Kalayaan ngayon.
Sana pakiusapan na ni P-Duterte ang friend niyang si Chinese Pres. Xi Jinping na paalisin na nito ang mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS) para magkaroon na ng kalayaan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa karagatang pag-aari ng Pilipinas, period!
◘◘◘
HIRIT NI P-DUTERTE: PACQUAIO, MAG-ARAL MUNA!—Hindi nagustuhan ni P-Duterte ang tirada ni Sen. Manny Pacquiao noon tungkol sa hindi niya pagtupad sa campaign promise na ipaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa West PH Sea na sinakop na ng China, dahil ayon sa pangulo, dapat mag-aral muna si Pacman bago makisawsaw sa isyung ito. Boom!
◘◘◘
PACMAN, HANDANG MAGPAKA-OPOSISYON PARA BANGGAIN ANG DUTERTE-DUTERTE 2022—Agad rumesbak si Pacman sa pasaring sa kanya ni P-Duterte, ayon kay Pacquiao, ang sinabi niya patungkol sa West PH Sea na sinakop ng China ay sentimiyento rin ng sambayanang Pinoy na pumupuna sa pagpapabaya ng pamahalaan sa pananakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Sa tema ng resbak ni Pacman kay P-Duterte, tila indikasyon itong handa siyang magpaka-oposisyon para banggain ang Duterte-Duterte 2022 sa nalalapit na halalan, period!
◘◘◘
LACSON, MINSAN DDS, MINSAN ‘DILAW’—Matapos mabalita na kakandidatong pangulo si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa 2022 election ay inimbitahan ito (Lacson) ng mga 1Sambayan convenors na lumahok sa gagawin nilang proseso ng pipiliing panlaban ng oposisyon sa pagka-pangulo sa halalan 2022, pero tinabla o tinanggihan ito ng senador.
Tatanggi talaga si Lacson na sumanib sa 1Sambayan kasi dalawang kulay ng pagkatao niya, minsan ay DDS siya, at minsan ay dilawan siya, ibig sabihin, minsan todo-puri siya kay P-Duterte at minsan nagpapakadilaw siya sa pag-atake sa pangulo, boom!





Comments