Barko lumubog, 1 patay, 30 nawawala

ni Justine Berganio @Overseas News | September 14, 2026

Photo: 30 ang nawawala matapos lumubog ang inter-island ferry na MV Matui - Circulated / Galaxy TV
Isang katao ang kumpirmadong patay habang mahigit 30 ang nawawala matapos lumubog ang inter-island ferry na MV Matui sa karagatan ng Vanuatu nitong Biyernes.
Ayon sa tanggapan ni Prime Minister Jotham Napat, 15 katao ang buhay na natagpuan habang nagpapatuloy ang search and rescue operation para sa iba pang pasahero at crew.
Lumubog ang barko sa pagitan ng Ambae at Santo Islands habang masama ang panahon. Inilipat na ng mga rescuer ang paghahanap mula sa open waters patungo sa southeast coast, kung saan posibleng inanod ng currents ang mga nakaligtas.
Sinabi ng pamahalaan na maaaring sanhi ng malalakas na hangin at hindi pagsunod sa marine warnings ang insidente, habang sinisilip din ang posibleng overloading ng ferry. Isasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang buong dahilan ng paglubog.





Comments