Barilan sa shopping mall sa Idaho, 2 patay
- BULGAR

- Oct 26, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 26, 2021

Dalawa ang patay habang apat, kabilang na ang isang police officer ang sugatan, matapos ang naganap na shooting incident sa isang shopping center sa Boise, Idaho, na nagresulta sa pagkakadakip sa nag-iisang suspek, ayon sa mga awtoridad.
Wala pang opisyal na detalye hinggil sa madugong insidente, subalit sinabi ni Boise Police Chief Ryan Lee sa mga reporters sa isang briefing na agad na rumesponde ang mga pulis sa natanggap na report ng shooting sa Boise Towne Square mall, bandang alas-2:00 (local time) ng hapon nitong Lunes.
Batay sa mga police officers na dumating sa lugar, “we encountered an individual matching the suspect’s description.”
Agad na nakipagpalitan ang mga ito ng putok sa salarin na nagresulta sa pagkakasugat ng isa sa kanilang kasamahan habang naaresto ang suspek, ayon kay Lee.
“We believe there was only a single shooter involved, and there is no ongoing threat to the community at large,” saad Lee.
Wala namang ibinigay ang mga awtoridad na iba pang impormasyon tungkol sa suspek, maging ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Tumanggi ring magbigay ng detalye si Lee hinggil sa naganap na shooting, aniya, “we really cannot at this time speak to any motivation behind it.”
Isang shopper naman ang nagsabi sa Idaho Statesman newspaper na nasa food court siya ng shopping mall nang makarinig ng lima hanggang walong putok ng baril habang agad siyang sinamahan ng security personnel palabas ng mall bago dumating ang mga pulis.
Ang Boise Towne Square ay matatagpuan sa western end ng capital ng Idaho na itinuturing na pinakatanyag na metropolitan area, kung saan ang siyudad ay mayroong 250,000 residente.




Comments