top of page
Marian Rivera at Dingdong Dantes - TikTok.jpg

Barilan sa NLEX, 3 sapul

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 28, 2026



Barilan sa NLEX - CIrculated

Photo: Circulated


Nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at tatlong hinihinalang sangkot sa serye ng nakawan, sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Biyernes, na nauwi sa pagkakaaresto sa mga suspek.


Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director Brig. Gen. Jess Mendez, tinutugis ng pulisya ang mga suspek kaugnay sa magkakahiwalay na insidente ng panghoholdap sa mga minimart na naganap noong Lunes at Miyerkules sa Magalang, Pampanga at Victoria, Tarlac.


Dito namataan umano ang mga suspek sa Rosales, Pangasinan bago nagtungo sa Tarlac at Bulacan.


Nagpakalat ang pulisya ng mga operatiba sa iba't ibang toll plaza at exit ng NLEX upang harangin ang kanilang sasakyan.


Sinabi ni Mendez, nang papalapit ang sasakyan ng mga suspek sa barrier ng Bocaue Toll Plaza, dito na pinaputukan ang mga nakapuwestong miyembro ng SWAT, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis.


Sugatan ang mga suspek matapos ang ilang minutong engkuwentro kung saan agad silang nabigyan ng paunang lunas ng medical team ng NLEX.


Nilinaw din ng opisyal na wala pa silang natatanggap na ulat na may sibilyan o motorista na tinamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng engkuwentro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SATURDAY,  JUNE 27, 2026  JACKPOT PRIZE*

Grand Lotto 6/55 : 38-27-33-32-49-31 ₱ 50,310,159.20
Lotto 6/42              : 24-31-03-36-35-23 ₱ 49,566,536.61
6D Lotto                 : 
8-0-4-7-2-1               ₱ 5,404,454.28

3D Lotto 2 PM       : 7-6-0-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM       : 0-1-2-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM       : 
9-5-8-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page