Barilan ng PDEA at PNP ang tunay na drug war

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 26, 2021
BIGO SI P-DUTERTE SA LABAN SA KORUPSIYON KASI HINDI NA NGA IPINAKUKULONG ANG MGA TIWALI, NAKALAYA PA ‘YUNG IBA—Aminado si P-Duterte na bigo siya sa kanyang campaign promise noong 2016 presidential election na susugpuin niya ang korupsiyon sa bansa.
Mabibigo talaga si P-Duterte sa laban kontra-katiwalian kasi hindi naman ipinakukulong ng kanyang administrasyon ang mga kurakot na nahatulan ng guilty, at ang masaklap, ‘yung mga “buwayang” dating nasa selda, eh, malaya na ngayon, boom!
◘◘◘
HINDI LANG SA PAGSUGPO NG KORUPSIYON BIGO, KUNDI PATI SA LABAN KONTRA ILEGAL NA DROGA AT KRIMINALIDAD—Hindi lang sa pagsugpo sa katiwalian bigo si P-Duterte, kundi pati sa pangako niyang susugpuin ang ilegal na droga at kriminalidad sa Pilipinas.
Sa totoo lang, imbes na masugpo ang illegal drugs ay lalo pa itong lumala at patunay d’yan ang naganap na puslitan ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs, at sa krimen na halos araw-araw ay may pinapatay, ginagahasa, hinoholdap at pinagnanakawan.
Dahil bigo, nalaman na ngayon ng publiko na ang campaign promise noong 2016 presidential election ni P-Duterte na tatlo hanggang anim na buwan ay malinis na ang Pilipinas ay “pang-uunggoy” lang, period!
◘◘◘
BARILAN, PATAYAN NG PNP AT PDEA ANG TUNAY NA DRUG WAR—Nagka-enggkuwentro sa shabu buy-bust operation ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City.
‘Yan ang totoong drug war kasi sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng PNP at PDEA ay nakita ng publiko na ang lalakas ng kanilang armas habang nagbabarilan at nagpapatayan, boom!
◘◘◘
IPATIGIL ANG LAHAT NG PASUGALAN KASI BAKA MGA “TONGPATS” COLLECTOR NAMAN MAGPATAYAN—Matapos magkaengkuwentro ang PNP at PDEA dahil sa shabu buy-bust, ang dapat gawin ngayon ng Department of Interior and Local Government ay utusan ang PNP na ipatigil ang lahat ng mga pasugalan sa bansa kasi baka ang sunod na mangyari ay mga “tongpats” collector naman ang magbarilan at magpatayan.
May impormasyon kasing nagkakainitan sa pagkuha ng weekly payola sa mga ilegalista ang tropa nina “Berlin” na nagpapakilalang “kolektor” ng Camp Crame, “Madam Reyna”, “Cesar Pilosopo” at “Ad-Juan” na pakilala ay kolektor daw sila ng Camp Bagong Diwa (NCRPO) at tropa ni “Jake” na nagpapakilalang kolektor ng Northern Police District (NPD) kasi ang late raw na dumating, hindi na nabibigyan ng payola, mga buwisit!





Comments