top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BARBIE, TODO-EXPLAIN SA KUMALAT NA PIKTYUR NILA NI DAVID NA MAGKAYAKAP

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 19, 2023



Ibinahagi nina Barbie Forteza at David Licauco ang mga kuha nilang larawan nang pumunta sila sa Hong Kong nitong weekend.


Huwag daw bigyan ng malisya ang pagpunta ng magka-love team sa HK. Naroon lang daw sila para i-promote ang kanilang teleserye na Maging Sino Ka Man.


Pero ayaw maniwala ng ibang netizens na walang namamagitan sa dalawang Kapuso artists dahil may lumabas na larawan ng BarDa na magkayakap.


Although, may hiwalay na photos din namang ibinahagi ang BarDa sa kanilang adventure trip sa Hong Kong.


Ang esplika ni Barbie, "To be honest, hindi pa take 'yun, pero bina-block na kasi ni direk.


Natawa lang ako kasi 'yung unang take namin nu'n ang dapat na mas yayakap."


Si Jak Roberto ang boyfriend ni Barbie. Aniya, hindi niya sisirain ang tiwala nito. Matagal na ang kanilang relasyon at ang trust sa isa't isa ang kanilang matibay na pundasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page