Barbie, proud na proud sa BF… JAK, KATAWAN ANG PUHUNAN KAYA NAKABILI NG SASAKYAN AT BAHAY
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 8, 2023

Marami ang humahanga sa pagiging masinop at hardworking ng Kapuso actor na si Jak Roberto.
Simula’t sapul ay hindi siya namimili ng role na ibinibigay sa kanya ng GMA Network at madalas din siyang mag-guest sa iba’t ibang program ng nasabing network kung saan lagi ngang nakadispley ang kanyang abs kaya nabansagan siyang “Pambansang Abs”.
At dahil sa kanyang pagsisikap, nabigyan na rin siya ng mga seryosong roles. Ang latest project nga ni Jak ay ang The Missing Husband na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino.
Kinakarir nang husto ni Jak ang kanyang propesyon bilang artista. Marami siyang pangarap sa buhay na gustong matupad.
Una siyang nakabili ng sasakyan na ginagamit niya sa shooting at taping. Sumunod na pinag-ipunan ni Jak ay para sa kanyang dream house.
Recently ay nagkaroon ng groundbreaking para sa itatayo niyang bahay. Nauna nang nakapagpundar ng bahay ang kapatid niyang si Sanya Lopez.
Proud na proud naman si Barbie Forteza sa nobyong si Jak. Nakita niya kung papaano ito nagpursige para sa kanyang dream house, kaya’t suportado niya ang lahat ng pangarap nito.
Wala silang professional rivalry, bagkus ay nagtutulungan silang maging successful sa kani-kanilang career. Hindi rin isyu kay Jak kung ipareha man si Barbie sa ibang actor tulad ni David Licauco.





Comments