BARBIE, NATAUHAN NA ‘DI NIYA KAILANGAN NG LALAKI
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 7, 2026

Photo: FB Barbie Forteza
Sinulit nang husto ni Barbie Forteza ang pagkakaroon ng solo era at pagiging single.
Nagkaroon siya ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.
Noong Valentine’s Day ay nag-check-in siyang mag-isa sa isang five-star hotel. Nag-movie date siyang mag-isa at nag-coffee date na walang kasama.
Ibang-iba ang kaligayahan na kanyang na-experience. Nakadama siya ng total freedom at nakapag- recharge ng energy.
Dito napatunayan ni Barbie na hindi kailangan na magkaroon ng maraming kasama upang sumaya ang isang tao. Hindi rin kailangan na magkaroon ng love life para lang sumaya ang buhay.
Sa ngayon, hindi nag-aapura si Barbie na magkaroon ng bagong karelasyon. Dapat matuto rin siyang mahalin muna ang sarili.
Ngayon niya na-realize na dapat, ang lalaking kanyang mamahalin ay sigurado at seryoso sa kanyang intensiyon.
Sabi nga ni Barbie, sa edad niya ngayon na trentahin na, ang hanap niyang lalaki ay ‘yung magbibigay sa kanya ng feeling na magbabalik sa kanyang masayang kabataan. ‘Yung mapapatawa siya at may positibong outlook sa buhay.
LONG HAIR NI COCO SA BAGONG SERYE, ‘DI FEEL NG FANS
IPINASILIP na ang teaser ng upcoming serye nina Coco Martin at Julia Montes, ang Sigabo. Ito bale ang papalit sa Batang Quiapo.
Agad na nag-react ang mga fans ni Coco at nagsabing hindi bagay sa aktor ang long hair. Ano raw ba ang role ni Coco sa Sigabo at bakit long hair siya? Disguise ba ito sa kanyang character?
Pero, may mga fans na kinikilig sa pagtatambal nila ni Julia. At least, puwede na silang kumilos nang natural dahil inilantad na nila sa publiko ang real status ng kanilang relasyon.
Action-comedy ang Sigabo at hindi hard action tulad ng Batang Quiapo kaya hindi gaanong mahirap para kay Coco Martin.
Walang choice si Coco kundi gumawa ng serye na hindi hango sa mga pelikula ng yumaong si Fernando Poe, Jr. dahil exclusive na pag-aari na ng GMA Network ang rights ng mga pelikula ni FPJ. At ang GMA-7 lamang ang puwedeng gumawa ng remake ng anumang FPJ movies.
Naunang ginawa noon ni Coco Martin ang Ang Probinsyano na ilang taon ding umere. Sumunod ang Batang Quiapo na mahigit dalawang taong ipinalabas sa Kapamilya Network.
ODETTE, MAGANA NANG KUMAIN, TUBIG SA BAGA, ‘DI NA IDE-DRAIN
MARAMI ang natuwa sa update ng kalagayan ngayon ng veteran actress na si Odette Khan.
Ayon kay Direk Kip Oebanda (direktor ng Bar Boys After School), hindi na kailangang i-drain ang tubig sa baga ni Odette. Magana na rin daw itong kumain at patuloy na lumalakas ang katawan.
Kaya naman, nagpapaabot ng pasasalamat ang anak ni Odette sa lahat ng tumulong at nagdasal para sa kanyang ina. Patuloy ang buhos ng tulong kay Odette Khan upang masiguro ang kanyang paggaling.
Nakarating na rin sa opisina ng ilang senador ang kalagayan ni Odette Khan kaya ito ay kanilang aaksiyunan at bibigyan ng tulong.
HINDI lang ang sitcom na Pepito Manaloto ang pinagkakaabalahan ngayon ni Manilyn Reynes. May bago siyang serye sa GMA-7, ang Born To Shine. Magkakasama sila rito nina Sheryl Cruz at Tina Paner.
Stage mom ang role ni Mane sa Born to Shine at tiyak na makaka-relate siya rito.
Dati rin siyang aspiring singer mula sa Cebu, at sa tulong ng kanyang manager na nagdala sa kanya sa Regal Films ay sumikat siya at nakalabas sa ilang pelikula.
Naging bahagi rin noon si Manilyn Reynes ng That’s Entertainment ni Kuya Germs (SLN). Si Janno Gibbs ang kanyang nakapareha at kanyang first love. Pero, si Aljon Jimenez ang kanyang napangasawa.
Dahil sa regular exposure ni Manilyn Reynes sa Pepito Manaloto ay nagkaroon siya ng iba pang TV guestings sa mga shows ng GMA-7.
Pero, masaya siya at nag-e-enjoy sa Pepito Manaloto. Binibigyan ng importansiya ni Michael V. ang buong cast ng PM. Para nang isa silang masayang pamilya kapag nagkakasama sa teyping.
Sobrang close na rin ang buong cast ng Pepito Manaloto na binubuo nina Michael
V., Manilyn, Jake Vargas, Angel Satsumi, Nova Villa, John Feir, Chariz Solomon, Ronnie Henares, Mosang, Arthur Solinap atbp..




Comments