BARBIE, NAGSALITA NA TUNGKOL SA KANILA NI CARLO
- BULGAR
- Oct 1, 2022
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 1, 2022

Mataray na sinagot ni Barbie Imperial ang mean questions sa kanyang bagong post na vlog.
Habang nagbabasa ng mean questions ang aktres ay nakaharap siya sa mukbang seafood at kumakain.
Isa sa mga tanong ay ang tungkol sa kanyang pananamit. Isang netizen ang nagsabing kaya siya binabastos ay dahil sa kanyang mga isinusuot.
Sagot ni Barbie, "Wala kang pakialam kung ano'ng gusto kong suotin."
Aniya, hindi dahilan ang pananamit para bastusin ang isang babae dahil hindi naman daw ito ang nagde-define ng pagkatao niya.
May nagtanggol din naman sa aktres kaugnay sa victim blaming dahil sa pananamit niya.
May isa pa siyang binasang comment na: "Kaya pala nagkahiwalay sina Carlo Aquino at Trina Candaza, ikaw pala ang dahilan."
"Ako na naman sinisisi n'yooo… (ang taas ng tono ng boses, huh?) Kelan ba naghiwalay sina Carlo at Trina last year? Eh, nagkasama kami ni Carlo, this year (lang)," sagot ng aktres at saka sinabayan ng seafood mukbang.
Marami pang mean comments na binasa si Barbie. Buti ay 'di siya na-highblood habang nagmu-mukbang.




Comments