top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Barbie, iniwan sa 'Pinas… DIEGO, TODO-ENJOY, GUSTO NANG TUMIRA SA TATE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 22, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 22, 2022




Nasa Amerika pa rin ngayon si Diego Loyzaga at wala itong binanggit kung hanggang kailan siya roon dahil para sa kanya ay gusto na niyang tumira ru'n, base sa pahayag niya sa ginanap na virtual mediacon ng latest movie niyang The Wife kasama sina Cara Gonzales at Louise delos Reyes directed by Denise O’Hara for Viva Films.


Inamin niyang super enjoy siya ru'n na mag-hang-out kasama ang iba't ibang kapamilya at mga kaibigan.


Solong biyahe ito ni Diego dahil hindi niya kasama ang pamilya niya at wala rin ang kasintahan niyang si Barbie Imperial.


“Solo trip. I really love United States. First time I’ve been here in United States of America, I think I want home to stay to be honest, I really love it here, I’ve been really well here,” pagtatapat ng aktor.


Base rin sa pahayag niya, sa palagay niya ay madaling makakuha ng trabaho roon.


Sa tanong kung bakit hindi niya nakasama si Barbie sa US trip niya, “I came here all of a sudden, like I came here like it wasn’t planned and I don’t think Barbie has a blue passport, so, I booked my flight a day before I left. So, yeah, I don’t think even if she wanted to come here, she couldn’t come here and she doesn’t have visa yet.”


Anyway, gagampanan ni Diego ang karakter na Cris na asawa ni Louise as Mara at babalikan ng aktor ang dati niyang karelasyon noong binata pa siya na si Cara as Lee.


Ang pelikulang The Wife ay sasalamin sa kung hanggang saan dapat ipaglaban ang pagsasamang mag-asawa sa kabila ng pagtataksil. At sa matapat na pagtupad sa sinumpaang magsasama sa sakit man o kalusugan, paanong tatanggapin ng asawa ang huling hiling na may kaugnayan sa naging babae ng kanyang mister?


Marami pa sanang gustong itanong ang press kay Diego tulad ng sa mga naging karelasyon niya ay may nakitaan na ba siyang wife material, pero hindi na niya kinaya ang antok dahil paumaga na ang oras sa Amerika.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page