BARBIE, 'DI MA-TAKE NA LUMANG-LUMA ANG SHORTS NI JAK, IPAGSA-SHOPPING
ni Nitz Miralles @Bida | March 4, 2023

Nakitawa kami sa JakBie fans nina Barbie Forteza at Jak Roberto sa convo ng magdyowa sa Instagram ni Jak dahil lang sa suot nitong shorts. Pinag-initan ni Barbie ang shorts na parang overused na.
Ang ganda pa naman ng posing ni Jak suot ang Walker shorts after yata niyang mag-workout at nagpapahinga.
Sabi ni Barbie, “Bibilhan kita ng shorts, ha? Kota (quota) na 'yan, eh.”
Sumagot si Jak ng “Kakalaba lang kaya 'yan ang nakuha.”
Join sa convo ang mga fans, isama na raw bilhan ni Barbie ng damit si Jak at may nag-comment pa na nasa labahan yata ang lahat ng damit ni Jak, kaya lagi itong nakahubad sa kanyang mga posts.
May nag-suggest naman kay Barbie na damihan ang pagbili ng shorts para sa boyfriend.
Ang mga convo nina Barbie at Jak gaya nito ang nagpapakilig sa JakBie fans na naligalig nang lumayag ang tambalan nina Barbie at David Licauco. Pero, pinatunayan ni Barbie na si Jak ang real love team niya.
Anyway, na-interview ni Karen Davila si Barbie sa kanyang vlog at sa kanyang intro kay Barbie, sabi ni Karen, “Anak ng isang tricycle driver, nagsimula si Barbie bilang extra sa GMA-7 doing 25 teleseryes so far and hitting it big as Klay. I spoke with Barbie & her dad for the first time! Maiiyak kayo sa journey ng pamilyang ito.”





Comments