BARBIE, BEST DRESSED PARA KAY JOSHUA
ni Nitz Miralles @Bida | July 25, 2023

Na-interview si Joshua Garcia sa GMA Gala Night 2023 at natanong kung sino ang bibigyan niya ng Best Dressed award. Mabilis ang sagot nitong si Barbie Forteza ang kanyang pipiliin na “Best Dressed”.
“Barbie! Siya ang nasa harapan ko kanina, sabi ko, ‘Ang ganda ng dress nito.’ Hindi siya ganu’n ka-flashy, but at the same time, nandoon ang pagkaelegante ng babae,” sagot ni Joshua.
Nag-comment si Barbie ng, “Tama ka naman diyan. Hahaha!”
Sa sagot na ‘yun ni Joshua, may mga nag-request sa ABS-CBN at GMA-7 na sa next collab nila, sina Barbie at Joshua naman ang pagtambalin. Gusto ng mga fans, isunod sa Unbreak my Heart ang maging collab series ng dalawa.
Kaya lang, may gagawin si Joshua sa Kapamilya Network na pagtatambalan yata nila ni Janella Salvador at si Barbie naman ay gagawin ang Pulang Araw with David Licauco. Mas maganda yata kung pelikula muna ang gawin nina Barbie at Joshua.
Anyway, ang mint green gown na suot ni Barbie sa GMA Gala Night 2023 na nagandahan si Joshua ay gawa ng designer na si Ehrran Montoya at siya rin ang dahilan kung bakit napasama ang aktres sa Best Dressed list ng Preview.





Comments