BARBIE AT RICHARD, SWEET NA SWEET NOON, AWAY-BATI NA RAW NGAYON
- BULGAR

- 23 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 1, 2026

Photo: IG _richardgutz
Mukhang hindi magandang senyales ang away-bating relasyon daw ngayon nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.
Nagsimula ang kanilang pagsasama na punumpuno ng romansa at sweet moments together.
Sabi ng kanilang mga kaibigan, si Barbie raw ang perfect match para kay Richard, bilang kapalit ni Sarah Lahbati.
Maging ang partido ng aktor ay botong-boto sa aktres. Mabait daw ito, disente, hindi maluho at hindi demanding ng atensiyon.
Kaya marami ang nagtataka kung ano ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan ngayon.
Hindi naman siguro selos ang dahilan? Wala namang ibang nali-link kay Richard at nasaksihan naman ng lahat kung gaano niya kamahal si Barbie.
Mukha rin namang mahaba ang pasensiya ni Barbie at hindi nagger na nobya.
May kinalaman kaya ang kani-kanilang career sa hindi nila pagkakaunawaan?
Nagbigay ng karangalan sa ibang bansa…
LEA, MAS MAY ‘K’ DAW MAGING NATIONAL ARTIST KESA KAY GOV. VILMA
Hanggang ngayon ay wala pang announcement mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) kung sino ang hihiranging National Artist for Film and Broadcast for 2026.
Maraming pangalan ang lumulutang na mga candidates tulad nina Gov. Vilma Santos-Recto, Lea Salonga, Dolphy, Eddie Garcia, Gloria Romero at Direk Mike de Leon.
Marami na ang nag-aabang, lalo na ang mga tagahanga nina Gov. Vilma at Lea dahil sila raw ang malalakas na contenders upang maging National Artist.
All-out ang suporta ng mga fans para ang Star for All Seasons ang tanghaling National Artist. Pero ang mga fans naman ni Lea ay nagsasabing mas deserving daw ang kanilang idolo sa karangalang ito.
Bukod sa kasikatan na tinamo sa Broadway, si Lea rin ang kauna-unahang Filipino na bibigyan ng star sa Walk of Fame sa Hollywood. Malaking karangalan ito para sa ating mga Pinoy na kinilala abroad ang talent ng nag-iisang Lea Salonga.
Well, agree ba rito ang mga Vilmanians?
Ex ni Coco, umamin…
KATHERINE, 8 ANG ANAK, IBA-IBA ANG AMA
IKINAGULAT ng publiko ang pag-amin ni Katherine Luna na walo na ang kanyang anak na iba’t iba ang ama.
Hindi lang binanggit ng aktres kung non-showbiz o may mga artista siyang nakarelasyon.
Matagal kasi siyang nagpahinga at nawala sa showbiz, kaya walang nakakaalam sa mga nangyari sa kanyang buhay.
Lumitaw lang bigla si Katherine nang tulungan siya nina Coco Martin at Julia Montes upang maitaguyod niya ang kanyang mga anak.
Tinulungan pa siya ng aktor upang maipagamot at maoperahan ang kanyang mga mata. Hiyang-hiya naman siya dahil alam niyang nakaapekto sa career nito nang sabihin niya noon na si Coco ang tatay ng anak niyang si Nicole. Utos lang iyon noon ng kanyang ina.
At isa pa, nag-sorry na si Katherine kay Coco.
Ganunpaman, ayon na rin sa dating manager ng aktor na si Ihman Esturco, nakatulong sa career ng aktor ang naging issue nila ni Katherine. Napansin at pinag-usapan ng buong showbiz si Coco at nagkaroon siya ng mga movie offers.





Comments