BARBIE AT DIEGO, HULING NAGDE-DATE SA ANTIPOLO
- BULGAR

- Dec 1, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 1, 2020

Usap-usapan ngayon sa showbiz sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Naispatan kasi ang dalawang celebrities sa isang private dining umano sa Pinto Art Museum sa Antipolo.
Espekulasyon ng mga netizens, private dating ang dalawa.
Two months ago, if we're not mistaken, may ipinost na sexy photo si Barbie sa kanyang social media account. Agaw-pansin ang komento ni Diego sa picture ni Barbie.
“Waw,” ang hangang-hangang reaksiyon ng aktor.
Nainterbyu kamakailan lang ang young actress at nabanggit niya na dati na silang magkaibigan ng young actor.
Nag-try na rin daw silang mag-date noon, 'yun nga lang, hindi nag-work due to some circumstances.
Anyway, parehong loveless ang dalawa kaya wala naman sigurong magagalit kung getting to know each other sila.
Huling nakarelasyon ni Barbie si Paul Salas at na-link din siya kay JM de Guzman dahil nagkasama sila sa isang proyekto under ABS-CBN.
Si Diego naman ay na-link kay Sofia Andres na kanyang former ka-love team.
Pansamantalang natigil sa showbiz ang young actor. Now that he’s comeback, nasa pangangalaga na siya ng Viva Artist Agency.





Comments