Bantay-sarado sa MTRCB… JOSE AT WALLY, TODO-INGAT NA SA MGA KILOS AT SINASABI
- BULGAR
- Aug 21, 2023
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 21, 2023

Aminado ang comedy duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola na mainit ang mata sa kanila ngayon hindi lang ng MTRCB kundi maging ng mga bashers, kaya mas dapat na dobleng ingat ang kanilang gawin sa bago nilang show sa TV5, ang Wow Mali: Doble Tama na magsisimula na sa Sabado (Agosto 26), 6:15 PM sa TV5 at mapapanood din sa Buko Channel tuwing 7 PM naman.
Kamakailan nga lang kasi ay ipinatawag ng MTRCB ang pamunuan ng E.A.T. dahil sa aksidenteng pagmumura ni Wally sa isang segment habang on-air ang noontime show.
Lesson learned naman ito sa dalawa kaya nangako silang mas mag-iingat ngayon at pag-iisipan at pag-uusapan daw muna nilang mabuti ang mga pranks na gagawin nila sa Wow Mali: Doble Tama para wala silang ma-offend.
Tanggap nina Jose at Wally na matindi ang pamba-bash ngayon sa social media kaya si Jose, wala raw social media page bukod sa kanyang Viber account. Hindi raw siya nagbabasa ng mga comments dahil ayaw niya ng negativity na stress lang ang hatid sa kanya.
Si Wally naman, pinipili lang daw ang mga papatulang comments dahil alam niyang 'yung iba ru'n ay wala namang kabuluhan at sabi nga, mema lang, although 'yung iba ay maayos namang nagbibigay ng puna o kritisismo.
Thankful naman ang dalawa kay Master Genyo Joey de Leon dahil sa kanila ipinagkatiwalang maipasa ang Wow Mali na alam naman ng lahat na si Joey ang orig host.





Comments