Banggaan ng mag-ama… P-Duterte kay Bato, Mayor Sara kay BBM
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 26, 2021
HINDI LANG ANG MGA PRESIDENTIAL CANDIDATES ANG MAGBABANGGAAN SA ELEKSIYON, KUNDI PATI ANG MAG-AMANG P-DUTERTE AT BATO—Mukhang hindi lang ang mga kandidato for president ang magbabanggaan sa 2022 presidential election, kundi pati ang mag-amang P-Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ang kandidato kasi for president ng PDP-Laban ni P-Duterte ay si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at ang manok naman ni Mayor Sara ay si former Sen. Bongbong Marcos.
Naku, magandang laban ‘to, sino kaya ang mananalong “manok”, abangan!
◘◘◘
OKS LANG KAHIT WALANG PERMIT SA ‘RUN SARA RUN’, PERO SA MGA “KAKAM-PINK” NI VP LENI “NO PERMIT, NO MOTORCADE”?—Mukhang nayanig ang Malacañang nang makitang maraming sasakyan ng mga “kakam-pink” ni Vice-Pres. Leni Robredo ang nag-motorcade sa Metro Manila, kaya agad nagpalabas ng kautusan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng polisiyang “no permit, no motorcade”?
Pambihira, noong maglunsad ng sunud-sunod na motorcade ang DDS para sa “Run Sara Run” na panghihimok kay Mayor Sara na kumandidatong pangulo, oks lang sa MMDA kahit walang permit, pero sa mga supporters ni VP Leni, “permit muna bago motorcade”? Ibang klase!
◘◘◘
SA PANAHON NI P-DUTERTE, LUMOBO NANG HUSTO ANG UTANG NG ‘PINAS—Kaya naman pala utang nang utang ang Duterte gov’t. sa mga financial institution kasi umabot na sa P1.14 trilyon ang kakapusan ng budget ng Pilipinas.
Dahil sa sunud-sunod na pangungutang ng Duterte gov’t., nasabi tuloy ng World Bank na sa mga bansa sa mundo, ang Pilipinas ang top borrower sa kanilang bangko.
Ngayon lang nangyari ‘yan, sa panahon ni P-Duterte naglabas ng statement ang World Bank na madalas na ang utang mula sa ‘Pinas, boom!





Comments