BANDANG LILY, HAPPY SA BAGONG VOCALIST NA IPINALIT KAY KEAN
- BULGAR
- Jun 29, 2023
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 29, 2023

Mainit na tinanggap ng mga taga-Baler ang bandang Lily sa pangunguna ng vocalist nila na si Joshua Bulot at drummer-composer na si Lem Belaro when they performed para sa third anniversary ng House of Taiko Baler branch kamakailan.
Ang House of Taiko Baler ay pag-aari ng LX2 Entertainment founder & CEO na si Ms. Loie Magan at ni Lem, na isa ring chef. At the same time, ang LX2 Entertainment din ang tumatayong manager-producer ng pop rock band na Lily.
“Actually, sa music din nag-start ang partnership namin ni Ate Loie sa House of Taiko. Pero, nagsimula akong magluto noong pandemic. Wala kasing gig. Patay talaga ang entertainment industry noon. Naisip kong magluto kasi mahilig naman talaga akong magluto.
“‘Yung buong six months na halos lockdown, wala akong ginawa kundi nagluto lang ako ng iba’t ibang menu,” kuwento ni Lem after ng performance nila sa House of Taiko Baler.
Sabay daw na hinawakan ng LX2 Entertainment ang Lily at ang partnership nila sa House of Taiko na pinaghalu-halong Filipino, Korean and Japanese food ang isine-serve.
‘Taiko’ ang name ng restaurant na ang ibig sabihin ay drums. Bukod sa may-ari ng House of Taiko, si Lem din kasi ang gumawa ng mga recipes na isine-serve nila sa nasabing resto.
Ang first branch ng House of Taiko ay matatagpuan sa Sta. Maria, Bulacan. At ang pangalawa nilang branch ay sa Baler.
Para kay Lem, sadyang magkasama ang music at pagkain. Kasi nga naman, tuwing may music festival, ‘di puwedeng walang kainan.
This year, bukod sa pagdami ng mga branch/franchisee ng House of Taiko, plano rin nilang i-push ang pagma-manufacture ng mga produkto nila gaya ng ‘tayakis’ sa kanilang resto business at ibenta sa mga groceries/supermarkets.
Tiniyak naman nina Lem at Loie na hindi maaapektuhan ng kanilang resto/food business ang pop rock band na Lily.
“Sobrang puno ang gigs namin. As a matter of fact, may mga ibang events, uh, kausap ko na ‘yung manager nila kagabi na tinatanggihan na namin. Tumatanggi na kami,” say ni Loie.
Naghahanda na rin kasi ang bandang Lily para sa launch ng kanilang first album under Star Music.
“Yes,” pag-confirm ni Lem. “May mga songs na rin kasi kami actually sa Star Music, eh. ‘Yung Ex namin with Yeng Constantino, it’s under Star Music. Nasa sa amin ‘yun sa Spotify.
So, may connection na rin kami sa Star Music.”
Walo raw ang pinagpipilian nilang mga kanta pero anim lang ang gusto nilang ilagay sa kanilang ‘untitled’ debut album for Star Music. But definitely, pasok sa first album nila ang kantang Tulak na composed by Lem.
Biniro namin sina Lem at Loie kung okay lang bang mag-perform ang former bandmate niya sa Callalily na si Kean Cipriano sa House of Taiko.
Sabi ni Lem, “Puwede naman. Puwede rin kaming mag-gig nang sabay. Pero hindi nangyayari. Hahaha!”
Nalaman tuloy namin na may conflict pala as to what song(s) lang ang puwedeng kantahin ng bandang Lily kapag kasama nila sa isang event si Kean.
“Kailangang mauna kami sa kanta para makanta muna namin ang kanta namin,” sambit ni Lem.
“Kasi alam ko, parang… kasi ngayon, hindi kami nakakapag-gig. Kunwari, nagsabay kami, kahit kanta ko ‘yung kakantahin namin, biglang naaalis kami since kinakanta niya ‘yung kanta. Eh, hindi naman puwedeng parehas ang kanta.”
Kailangan pa raw nilang ikonsulta sa legal team nila ang tungkol dito.
Paliwanag ni Loie, “Well, Lem is the composer and I think may performance right din siya.
But that’s for legal to decide, you know. We’ll leave it to our legal team.
“Si Lem ang nag-compose ng lahat ng hit songs ng Callalily dati like Magbalik at Stars. Alam ko lahat ng story niyan. He is the composer. So, tingnan natin ang next.
“Actually, it has been re-recorded by our vocalist ng Lily (si Joshua Bulot), lahat ng compositions ni Lem for Callalily before. Parang sa Journey dati, ginawa ni Arnel Pineda, ‘di ba, ini-record ulit lahat ng songs ng Journey. Si Arnel Pineda ‘yung vocalist. Same thing. So, abangan ninyo ‘yan lahat kasi lalabas ‘yan with Lily.”
Sa huling panayam ni Kean ay nagsabi diumano siya ng, “No” sa possibility ng reunion with his former bandmates sa Callalily. Katwiran niya, naka-move on na raw kasi sila.
Pahayag ni Loie, “As LX2 Entertainment’s CEO, it will not happen. As CEO, I’m the one who’s going to say it will not happen. We’re happy with our new vocalists.
“As a matter of fact, I don’t want to call him new kasi magkaka-bonding na sila as a band at kaming lahat. So, yeah. Move on, move on na.”
Nilinaw naman ni Lem na ang banda niya ngayon na Lily ay ‘di ang dating Callalily.
“We’re just Lily,” diin ni Lem.
“Saka sa amin, I wish him luck, sa family. ‘Yun lang naman, eh, ‘di ba? I don’t wish ill sa kung anumang nangyari. Tapos na ‘yun, ‘di ba? Mas masarap ‘yung mabuhay na wala kang kamote sa puso mo,” sabi pa ni Lem.
Tamah.




Comments