top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Balita ng News5, fake raw… VICE, NAG-THANK YOU KAY GRETCHEN SA PAGKOKOREK SA AWAY NILA NI MARIAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2022
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 4, 2022



Kaagad na humingi ng dispensa ang News5 hinggil sa inilabas nilang balita sa Frontline sa Umaga tungkol sa diumano'y reconciliation nina Vice Ganda at Marian Rivera.


Naibalita kasi sa entertainment segment ng nasabing daily morning news program na natuldukan na ang iringan nina Marian at Vice matapos magkita’t magyakapan sa Preview Ball na naganap few days ago.


Inalmahan ni Vice Ganda ang nasabing balita at sunud-sunod ang kanyang tweets noong isang araw.


“Ha??????!!!!!!!!!!! Sa'n galing ang balitang 'to?????? Nagka-issue kami? Iringan??!!!!!


Pauso! Yuck! Super yuck! Mema???!!!” ang tweet ni Vice Ganda.


“Super kadiri 'yung mga balitang mema! Eeeooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! T*E,” tweet pa ulit ng TV host-comedian.


Kaagad namang binigyan ito ng pansin ng TV5 management at nag-release na ng public apology the following day, Friday.


“Humihingi kami ng paumanhin sa mga personalidad na nasangkot sa maling report na inilabas kahapon dito sa showbiz segment ng Frontline sa Umaga na nagsabing nagkaroon ng iringan sina Vice Ganda at Marian Rivera.


“Agad pong inaksiyunan ng pamunuan ang issue matapos mapag-alamang mali ang naging ulat.


“Muli, humihingi kami ng paumanhin at sisikaping hindi na maulit ang nasabing pagkakamali,” ang pahayag ng host ng Frontline sa Umaga na si Gretchen Ho.


Nag-tweet naman ng pasasalamat si Vice Ganda kay Gretchen sa pagklaro sa issue at paghingi ng dispensa.


“Thank you @gretchenho. I appreciate it,” tweet ni Vice.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page