top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Balik-work na ngayon… ANGELINE, DINUGO, MUNTIK MAKUNAN KAYA NAG-STOP SA ASAP

BULGAR
May 25, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | May 25, 2022




Ini-reveal ni Angeline Quinto na nagkaroon siya ng spotting habang ipinagbubuntis ang kanyang baby na si Sylvio.


Nangyari raw ‘yun nu’ng mag-guest siya sa US show ni Vice Ganda.


“Kaya kahit gusto kong mag-A.S.A.P. nu’ng buntis ako, ipinagbawal ng doctor kasi nga bawal akong magtrabaho nang sobra. Bawal akong kumanta masyado kasi nga po, dinudugo ako nu’ng time na ‘yun,” pahayag ni Angeline sa aming exclusive interview sa kanya kamakailan.


Pero ngayon ay mas excited daw siya na makabalik sa trabaho. At ang dami pa raw niyang gustong gawin.


“Uhm, ngayon na first time kong makapagtrabaho ulit bilang nanay na, mas excited ako na kumanta para sa mga nanay din sa ibang bansa. Siguro, ‘yun po ‘yung nilu-look forward ko ngayon,” lahad niya.


Ang tinutukoy ni Angeline ay mga OFWs na nasa Canada at US para sa international concert series ng kanyang 10Q: Ten Years of Angeline Quinto na magaganap on September and October this year.


“Siyempre, ‘yung mga OFWs, mas mahirap ‘yung sa kanila kasi ilang taon silang hindi nakauwi ng Pilipinas, ‘di ba? So, ngayon ‘yung chance na ‘to, puwede naming gamitin ng BuDaKhel na kami naman ‘yung pumunta sa kanila para makapag-perform ulit para sa mga kababayan natin.”


Ang BuDaKhel na nabanggit ni Angeline ay ang grupo na kinabibilangan nina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan. Sila ang special guests sa US and Canada tour ng 10Q concert series under the musical direction of Marvin Querido and concert direction of Dido Camara produced by KreativDen Entertainment and Berce LLC presented by Spotlight Media Entertainment, MAP Entertainment & Backstage Ventures Ltd, Jullor Entertainment, Amor Yu Productions, V Fons Productions, Excel Productions, Barrio Fiesta Filipinas and Palabok House Promotions.


By the time ng Canada concert ni Angeline sa September, four months na si Sylvio. Keri na raw sumakay ng eroplano ng bagets kasama ang tatay nito na si Nonrev.


“Eh, kasi, Tita, siyempre, mahirap, paano kung parang almost one month kami mag-stay doon? So, ayoko naman na maiwan siya nang almost one month na wala ako. So, isasama ko na lang siya.”


May plano si Angeline na ipasyal sina Sylvio at Nonrev sa mga lugar na napuntahan nila ng kanyang kinikilalang ina, ang yumaong si Mama Bob.


“'Yun din kasi ‘yung first time ng baby ko na maisama ko abroad at saka ‘yung papa niya. So, kung anuman ‘yung magagandang lugar sa Amerika at sa Canada na napuntahan ko na at ni Mama Bob, eh, malamang, doon ko rin sila dadalhin. Siyempre, sa Canada, ‘yung ano, ‘yung Niagara Falls.”


Sa ngayon, naghahanda na raw si Angeline para sa US amd Canada 10Q concert. Medyo matagal din daw kasi siyang napahinga sa pagkanta.


“So, kailangan ko po ulit buhayin ‘yung alam mo ‘yun? ‘Yung boses ko po, unti-unti. Ayan, nagbo-vocalize po, unti-unti akong bumabalik sa vocalization everyday para kahit papa'no, para masanay ulit ako sa pagkanta lalo na't mas mahirap kasi nga caesarean ako.”


Inamin niya na may napi-feel siyang pressure and anxiety sa kanyang pagbabalik on stage to perform after having a baby.


“Kumbaga, more than doon, mas nae-excite ako na magtrabaho ulit. Kasi hindi ako sanay nang hindi ako kumakanta. Siguro, kung nagkaroon man ako ng anxiety nu’ng buntis ako, hindi ngayon.


“Nu’ng buntis ako, mas emotional ako. Ang bilis-bilis kong malungkot kasi gusto kong mag-ASAP, hindi puwede. Kasi medyo nagkaroon po ng time na naging maselan ang pagbubuntis ko na umabot sa point na dinudugo ako. Kaya ako nagpahinga sa A.S.A.P., pinahinto po ako ng doctor ko,” esplika ni Angeline.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page