Balik-showbiz, malabo… IBINUKING NI NEIL: ANGEL, SUPER ENJOY SA GAMING, NAG-ONLINE CLASS PA
- BULGAR

- Aug 15
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 15, 2025
Photo: Neil Arce at Angel Locsin - IG
Hindi pa masabi ni Neil Arce kung kailan ba talaga ang much-awaited return sa showbiz ng misis niyang si Angel Locsin.
Sa panayam ng ABS-CBN sa producer/businessman ay natanong siya kung kailan nga magbabalik ang aktres sa mundo ng pelikula at telebisyon.
“I haven’t asked her. I never ask her when she wants to come back,” ang sagot ni Neil.
Sa tanong kung bakit hindi niya tinatanong ang misis, ang kanyang paliwanag, “‘Cause I know that she is a strong independent woman, I married an alpha queen, and I respect that.”
Dagdag niya, “Kung ano ang gusto n’yang gawin, as long as nasa tama, she has my support.”
At ang latest update kay Angel? Nahihilig daw ngayon sa gaming ang aktres at nag-enroll pa sa online classes.
“I think everyone knows that she’s into gaming. She’s taking online classes, and she’s enjoying herself,” tsika ni Neil.
“And we all know her dad just passed away. She’s taking her time. I’m giving her own space to adjust to everything that has happened,” saad pa niya.
Natanong nga rin siya kung ano ang online classes ni Angel at sey niya, hindi niya rin masyadong naiintindihan.
Aniya, “Sorry pero hindi ko rin maintindihan kasi it’s about gaming. Hindi ako gamer.”
Pero suportado raw niya ang misis kung saan ito masaya.
Sey pa niya, “Basta happy s’ya. I always ask her, ‘Are you happy?’ and alam ko naman kung totoo o hindi, and sabi n’ya, happy naman s’ya.”
Of course, kung si Neil ang tatanungin, gusto rin niyang magbalik sa pag-arte si Angel.
“I’m her husband, lover, everything and I’m also a fan. Deep inside, of course, I miss her on the screen. Pero nangunguna ‘yung pagka-husband, eh. Kung saan ka masaya,” sey ng mister ni Angel Locsin.
Well, ano naman kaya ang mga online games na kinahihiligan ng aktres? Ito kaya ang dahilan nang matagal niyang pagkawala?
BAGONG tagumpay ang muling natamasa ng GMA Pictures-produced films na Green Bones (GB), Balota, at Hello, Love, Again (HLA) dahil sa mga nominasyong natanggap nito sa 73rd FAMAS Awards 2025.
Nakuha ng award-winning film na GB ang mga nominasyong Best Picture, Best Screenplay, Best Sounds, Best Visual Effects, Best Musical Score at Best Editing. Nominado rin sina Dennis Trillo bilang Best Actor, Ruru Madrid bilang Best Supporting Actor, Alessandra de Rossi bilang Best Supporting Actress, at Zig Dulay bilang Best Director.
Nasungkit din ng top-grosser film na Balota ang nominasyong Best Picture at Best Screenplay, habang nominado naman si Marian Rivera para sa Best Actress at Will Ashley para sa Best Supporting Actor.
Hindi rin siyempre pahuhuli ang HLA na nominado sa kategoryang Best Production Design, Best Musical Score, at Best Editing. Nakuha naman ni Alden Richards ang nominasyon para sa Best Actor at si Kathryn Bernardo para sa Best Actress.










Comments