top of page
Search
  • BULGAR

Balik-showbiz… JENNYLYN, HIRAP NA HIRAP NANG MAKA-MEMORIZE NG LINES AT UMARTE

ni Nitz Miralles @Bida | August 10, 2023



Tuluy-tuloy na nga ang pagbabalik sa showbiz ni Jennylyn Mercado dahil bukod sa nag-resume na sila ni Xian Lim ng taping nila para sa series ng GMA-7 na Love. Die. Repeat., may gagawin din siyang pelikula under CreaZion Studios. Ito ‘yung adaptation ng 2012 South Korean movie na All About My Wife.


Unang nabalitang si Jericho Rosales ang makakapareha ni Jennylyn sa nasabing pelikula.


May nagsabi namang si Sam Milby daw ang kapareha niya.


Hintayin na lang natin ang final announcement kung sino talaga ang kapareha ni Jennylyn. Puwede rin namang pareho sila dahil dalawa ang male lead ng movie.


Ang hindi napalitan ay ang kapareha ni Jennylyn sa GMA-7 series dahil si Xian pa rin ang kanyang makakasama.


Sa interview nga kay Jennylyn sa podcast na Updated with Nelson Canlas, nabanggit nito na hindi pa rin nagbago si Xian.


“Hindi pa rin siya nagbabago, very playful at gentleman, magaling na artista. Talagang very supportive siya sa mga scenes,” ani Jennylyn.


Kuwento pa ni Jennylyn, kasama si Xian ni Director Irene Villamor at mga co-stars nila na umaalalay sa kanya sa taping dahil matagal nga siyang napahinga.


Hindi man kapani-paniwala, pero sabi ni Jennylyn, sobra siyang kinabahan sa first online meeting nila uli for the series. Nang mag-report sa first day taping, nanginig daw siya at hindi makahinga sa sobrang nerbiyos.


“Pakiramdam ko, hindi na ako marunong umarte. Parang nahihiya ako, tapos hindi ko ma-memorize ‘yung script ko. Ngayon, parang baby brain pa, ‘yung hindi ko pa agad makabisado, so kailangan ko pa ng time. Sa tulong nina Direk, ng mga co-artists ko na magagaling, tinutulungan at inaalalayan nila ako,” sabi ni Jennylyn.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page