Balik-'Pinas… MARKUS, SA BAHAY NI JANELLA NA TITIRA
- BULGAR

- Feb 13, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 13, 2021

Kasama na ngang bumalik ng Pilipinas nina Janella Salvador at Markus Paterson ang mom ng aktres na si Jenine Desiderio. Karga ni Jenine ang apo habang naghihintay sila ng flight sa London Heathrow Airport.
Kay Jenine namin unang nabasa na pauwi na sila ng bansa at sinundan ‘yun ng post nina Markus at Janella na gusto na nilang umuwi. May sariling bahay si Janella at doon siguro sila titira ni Markus kasama siyempre ang kanilang anak.





Comments