top of page

Balik-gov. sa Batangas… “HINDI KO ITO HINILING, AKO ANG HINILINGAN TO GO BACK” — VILMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 9, 2025



Photo: Vilma Santos-Recto - Instagram


Nag-inaugural speech na ang actress/pulitiko na si Governor Vilma Santos-Recto nitong July 7 na ginanap sa Kapitolyo ng Batangas City.


Si Ate Vi ay muling nahalal na ina sa lalawigan ng Batangas makalipas ang una niyang pag-upo noong 2007 hanggang 2016. Siya ang kauna-unahang female governor ng Batangas.


Pagkatapos niyang maging gobernador ay tumakbo naman siyang congresswoman sa isang distrito ng Batangas kung saan naipanalo niya rin ito. 


Last 2022 national elections ay pansamantalang namahinga ang Star for All Seasons. Buong akala ng lahat ay tuluyan nang tatalikuran ni Ate Vi ang pulitika at magko-concentrate na lang sa kanyang pamilya. Pero, sadyang nasa dugo na rin ng mahusay na aktres ang pulitika aside sa kanyang pag-aartista kaya ang daming nagulat nang muling kumandidato ang nag-iisang aktres-pulitiko na may pinakamagandang record sa mundo ng pulitika.


Muli ay tumakbo siyang governor ng Batangas kung saan landslide ang kanyang pagkapanalo. 


Marami ang nagtatanong, bakit siya muling tumakbo bilang gobernador?

Kuwento ng Star for All Seasons, “Hindi ko ito hiniling, ako ang hinilingan to go back and serve again Batangas. Ang sabi nila sa akin (mayors and congressmen), we want you to go back kasi gusto naming maramdaman muli ang basic needs. Ano ‘yung basic needs, acronym ng HEARTS.”


Esplika ng Star for All Seasons hinggil sa HEARTS, “H – Health, E – Education, A – Agriculture, R – Roads, T – Tourism and Technology, S – Security and Social Services.”

Sa kanyang inaugural speech, inilatag ni Ate Vi ang plano niya sa muling pagbabalik sa Governor’s office.


Ayon kay Gov. Vi, naka-focus siya sa health, education, at safety ng Batangueños, lalo na when it comes to disaster preparedness, dahil ayon sa balita, ang Pilipinas ay may 11 o 20 bagyo na darating ngayong taon na ito. 


Aniya, ayaw na raw niyang mangyari ang tulad ng nangyari sa Bagyong Kristine last year, kung saan maraming inosente ang nagbuwis ng buhay.


Ibinahagi rin niya ang budget para sa senior citizens sector para makatulong sa mga ito.

“I will serve Batangas with all my heart,” pakli pa ni Gov. Vi.


Dahil iba na ang panahon, marami nang mga bagong teknolohiya, masaya niyang ibinalita na magkakaroon na rin ng Hotline and Monthly Reporting ang lalawigan ng Batangas, so they can assess the needs of the people and see how the government has helped them.


Sa trabaho ni Ate Vi, may ibang partido rin siyang makakasama, kaya ang tanong, “How’s working with other parties?”


Aniya, “Sa totoo lang, ang mas epektibong serbisyo is ‘yung teamwork. Plus ang governor, kahit papaano, sasandal pa rin ‘yan sa kanyang Sanggunian dahil dadaan pa rin ang budget. Lahat ng panukalang gusto niyang i-implement sa Batangas, dadaan definitely ng Sanggunian. Importante sana is pareho kayo ng vision para mas madaling magkaroon ng trabaho, mas mabilis maipasa, at mabilis ang delivery ng services.”


Sa muling pagbabalik ng Star for All Seasons, ang lalawigan ng Batangas ay muling magsa-shine dahil patutunayan niyang muli na ang kanyang governance ay patuloy na magbibigay-inspirasyon hindi lang sa kanyang nasasakupan kundi maging sa ibang mga ina o ama ng mga lalawigan.


Hindi maramot si Gov. Vi na i-share ang kanyang pamamaraan sa pagpapalakad ng kanyang lalawigan.


Congratulations, Ate Vi!!! Mahal ka namin!!!

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page