Balik-eskwela, bantay-sarado sa 55K pulis
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | June 8, 2026

Photo: PNP
Habang milyun-milyong estudyante ang muling magbabalik sa kanilang mga paaralan ngayong Lunes, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa at nakapuwesto na ang kanilang mga tauhan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa buong bansa.
Sa isang pahayag nitong Linggo, sinabi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na nananatiling pangunahing prayoridad ng PNP ang pagprotekta sa mga estudyante, kung saan mahigit 55,000 personnel ang nakatalaga sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela.
Ayon kay Nartatez, kasama sa komprehensibong deployment ang mga pulis na magsasagawa ng high-visibility patrols sa paligid ng mga paaralan, pamamahala sa trapiko, at pagmamando ng mga police assistance desk, na susuportahan ng auxiliary forces at mga community partners.
Naglatag din ang PNP ng 9,319 police assistance desks sa mga paaralan at clustered campuses sa buong bansa.
Magpapakalat din ng 9,525 mobile patrol units upang palakasin ang presensya ng pulisya at mapabilis ang pagtugon sa anumang emerhensiya sa mga school zones.
Tiniyak din niya na ang mga operasyon laban sa krimen, intelligence operations, at mga programang pangseguridad sa mga komunidad ay mananatiling ganap na aktibo at hindi maaantala sa kabila ng malawakang deployment para sa pagbubukas ng klase.





Comments