Bakunang gawang China ang ipambabakuna sa mga Pinoy?
- BULGAR

- Nov 26, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 26, 2020
COVID-19 VACCINES, DAPAT SA BGY. HEALTH CENTERS IPAGKATIWALA, HINDI SA PARAK, MILITAR AT PULITIKO—Ayon kay P-Duterte, kapag nakabili ng bakuna kontra COVID-19 ay pulis, sundalo at LGUs ang mamamahala sa pagbabakuna sa publiko.
Sablay ang sinabing ‘yan ni P-Duterte kasi dapat health workers sa barangay health centers ang mamamahala sa pagbakuna sa mamamayan, hindi parak, militar at pulitiko, period!
◘◘◘
SA DAMI NG BANSANG GUMAGAWA NG BAKUNA, GAWANG CHINA ANG IBIBIGAY NG DUTERTE GOV’T. SA MGA PINOY—Sabi ni Vaccine Czar ret. Gen. Carlito Galvez, nakikipag-usap na ang Philippine gov’t. sa Sinovac ng China para sa bibilhing 50 million dose ng COVID-19 vaccines, gayunman ay tuloy pa rin ang pakikipagdayalogo nila sa iba pang bansang gumagawa ng mga bakunang pangontra sa virus.
Nakupo, sa tema ng salita ni Galvez ay tila mas prayoridad ng Duterte na gawang China ang ipanturok na bakuna sa mga Pinoy, ‘susmaryosep!
◘◘◘
AYAW NG OMBUDSMAN MAG-RELEASE NG SALN AT MAGPA-LIFESTYLE CHECK KAYA KAUNTING “BUWAYA” LANG ANG NAKASUHAN—Base sa data ng Sandiganbayan, 63 kaso lang ang isinampa ng Office of the Ombudsman mula Enero hanggang Setyembre 2020 laban sa mga tiwaling gov’t. officials.
Ayaw kasi ni Ombudsman Samuel Martires na ipa-release ang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) ng mga taong-gobyerno at ayaw din niyang ipa-lifestyle check ang mga gov’t. officials, kaya’t hindi kataka-takang kaunting mga “buwaya” lang sa pamahalaan ang masampahan ng kasong katiwalian, boom!





Comments