top of page
Pokwang.jpg

Bakuna kontra COVID-19 ng China, sapaw sa isyu ng presyo ng pork

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 03, 2021



Naunahan ng China ang U.S. na saklolohan ang Pilipinas sa pagkakaloob ng libreng COVID vaccine.


‘Yun nga lang, hindi sila lalayas sa Spratly Islands!


◘◘◘

NATAHIMIK na ang isyu sa presyo ng pork.


Sinapawan ng bakuna ng Tsekwa!


◘◘◘


NAG-AAWAY na naman sina P-Digong at VP Leni.


Ganyan talaga ang aso’t pusa!


◘◘◘


DELIKADONG magkaroon ng fatty liver pandemic.


‘Yan ay dahil sa pagkonsumo ng mga herbal supplements!


◘◘◘


DAPAT iprayoridad ang Pasay sa pagkakaloob ng COVID vaccine.


Malaki ang tama ninyo!


◘◘◘


ITINOKA na ang NBI sa pag-iimbestiga sa miscounter ng PDEA at PNP.


Ninja cops pa more!


◘◘◘


BAKIT kaya isinusulong pa rin ang Charter Change sa Kamara ng mga Representante gayung kontra naman ang Senado?


Ano kaya ang kalokohan ini?


◘◘◘


NAPAKARAMI ang bilang ng mga namatay sa nagdaang 12 buwan—may COVID man o wala.


Natutulak tayong mag-isip kung ano ba talaga ang kahulugan ng buhay.


Kasi ang lolo at lola ng lolo at lola mo ay matagal nang naglaho—at unti-unti talaga silang nalimutan ng panahon!


◘◘◘


NI isang hinagap—nasaan na ang mga nasa kapanahunan nina Dr. Jose Rizal at Gat. Francisco Balagtas?


Kahit maghalungkat ka, hindi na nating masisilip kung sinu-sino ang ating kaanak na nabuhay—500 taon na ang nakaraaan!


◘◘◘


GINUGUNITA ngayong ang ika-500 anibersaryo ng Katolisismo sa Pilipinas.


Nasaan na ang ating mga ninuno ng mga panahong iyon?


Wala na, wala na.


Kahit magsubsob sa lupa, talagang tunaw na ang mga ninuno natin.


Sa susunod na 500 taon—wala na rin “ni isang hinagap” ang ating existence ngayon.


‘Yan ang buhay na nais mong ipaliwanag?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page