top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bakuna ang inaabangan ng mga Pinoy, hindi ang “Run, Sara, Run 2022”

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 17, 2021



P-DUTERTE, KINAKABAHAN NA MANALONG PANGULO SI VP LENI—Kinutya na naman ni P-Duterte si Vice-Pres. Leni Robredo na kesyo wala itong “K” maging pangulo ng Pilipinas. Aniya pa, kabado siyang maging susunod na pangulo si VP Leni.


Kung kinakabahan si P-Duterte na maging pangulo si VP Leni, lumalabas na fake news ang ibinibida ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang tatalong presidentiable kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.


◘◘◘


BAKUNA ANG INAABANGAN NG MGA PINOY, HINDI ANG “RUN, SARA, RUN 2022”—Sa totoo lang, hindi nakatutulong kay Mayor Sara ang pag-uudyok ni Panelo at ng iba pang DDS na tumakbo itong pangulo sa 2022 kasi ang laki ng problemang kinahaharap ng bansa dulot ng krisis dahil sa COVID-19 pandemic.


Mantakin n’yo, wala pa ang pinakahihintay na bakuna ng mga Pinoy, tapos mas nauna pa sa COVID-19 vaccines ang “Run, Sara, Run 2022? Pwe!


◘◘◘


IATF-EID MEETING, ‘WAG HALUAN NG PAMUMULITIKA—Ang pangungutya ni P-Duterte kay VP Leni ay kanyang ginawa sa pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na kesyo walang alam sa foreign policy ang VP kaya wala itong “K” maging pangulo.


Hay naku, kaya sa datos ng ASIAN Study Centre ay kulelat ang Philippine gov’t. sa pagtugon sa COVID-19 kasi imbes na ang pag-usapan sa IATF-EID meeting ay kung paano bababa ang bilang ng mga tinatamaan at namamatay sa virus, pagpaplano sa pagbili ng COVID-19 vaccines, pagbibigay ng trabaho sa mga jobless at pagbangon ng ekonomiya, eh, hinahaluan ito ng pamumulitika at pangungutya kay VP Leni, buwisit!


◘◘◘


SUPALPAL NA NAMAN ANG INABOT NI P-DUTERTE KAY LACSON—Tinalakan din ni P-Duterte si Sen. Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa post sa social media ng senador na extortion ang panghihingi ng bayad ng pangulo sa Amerika tungkol sa US (United States)-Philippines VFA (Visiting Forces Agreement), dahil ayon sa pangulo, siya lang bilang lider ng bansa ang may “K” magdesisyon sa mga foreign policy.


Ang masaklap, supalpal ang inabot ni P-Duterte kay Lacson kasi ipinost ng senador na social media ang nakasaad sa Konstitusyon na walang kasunduan sa ibang bansa ang puwedeng maganap nang walang approval ng mayoryang senador, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page