top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Bakbakan ng mga astig sa Hopeful Stakes Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 27, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 27, 2023


Inaabangan ng mga karerista ang mga stakes races na ilalarga sa susunod na buwan.


Atat ng mapanood ng racing aficionados ang bakbakan ng 11 tigasing kabayo sa 2023 Philracom Hopeful Stakes Race na aarangkada sa Hunyo 10 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Muling magtatambalan sina Boat Buying at Winner Parade para masikwat ang inaasam na titulo sa nasabing malaking karera.


Gagabayan ni class A riders Kelvin Abobo at John Alvin Guce sina Boat Buying at Winner Parade ayon sa pagkakasunod upang labanan ang siyam pang mahuhusay na kabayo sa distansiyang 1,800 meter race.


Maliban kina Boat Buying at Winner Parade, ang ibang nagsaad ng paglahok ay sina Badboy MJ, Borrowed Heaven, Chrome Bell, Domsat Seven, Easy Does It, Glamour Girle, Grand Monarch, Rough Cut at Sandigan.


Nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ipamumudmod sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.


Komento ng mga karerista sa social media, posibleng magpakitang-gilas din ang Glamour Girle at Chrome Bell kaya tiyak na makakauha rin sila ng malaking suporta sa mga mananaya.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang P150,000 sa third.


Mag-uuwi naman ang fourth hanggang sixth ng tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ayon sa pagkakahilera.


Ibubulsa naman ng breeder ng winning horse ang P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page