top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Baka raw tumakas tulad ni Sen. Bato... HIRIT NI BONG NA DUMALAW SA PATAY NA UTOL, TABLADO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 8, 2026



Bong Revilla Jr. circulated

Photo: File / Circulated



Sad for sure si former Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa pagkaka-deny ng request niya na pansamantalang makalabas ng kulungan.


Nais sanang lumabas ng kulungan ni Bong para makapunta sa wake ng pumanaw niyang kapatid na si Jojo Bautista.


Ang Sandiganbayan Third Division ang nagdesisyon na huwag pagbigyan ang request ng dating senador.


Todo-reak naman agad ang mga netizens sa mga latest news kay Bong.

“‘Yan na naman ‘yung special requests na ‘yan!”

“Dapat lang, no special treatment nga naman.”

“No special treatment!”

“Very good! Baka ‘pag lumabas, mag-ala-Bato.”

“Ay, dapat lang! Baka itakas din ni Robin.”

“OMG, who said that??”

“‘Di pa naman convicted. They should have been more humane.”


Nahaharap si Bong sa kasong malversation at graft dahil sa diumano’y ghost flood control projects.





MATAGUMPAY ang ginanap na selebrasyon para sa ika-30 taon ng mega hit song ni Renz Verano na Ibang-Iba Ka Na. It was celebrated via a grand show sa Tanghalang Pasigueño last June 23.


Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng mismong composer na si Evelyn Bruce.

“It’s a blessing, blessing po ‘yan na galing sa Itaas. Lahat po ‘yan ay galing sa Kanya, sa Diyos. And I’m very happy, of course, very blessed. I can sing it in the same key as I did 30 years ago. Sana nga ho, tuluy-tuloy,” pahayag ni Renz pagkatapos ng show.


Inamin ni Renz na malaki na ang kinita niya sa awiting ito.

“‘Pag may hit ka, dadalhin mo na ‘yun throughout your career. At ako ay masuwerte at meron akong mga hit. Marami. Oo, marami po,” diin ni Renz.


Sobrang pasasalamat ang ibinigay ni Renz kay Evelyn, na ngayon ay may sarili nang singers under her talent management, ang EBQ Music Production.


“Well, maraming-maraming salamat kay Evelyn (Bruce), composer ng Ibang Iba Ka Na. Up to now, simula nu’ng magkita kami sa first show we did together sa Saipan, 1993 or 1996, aba, eh, lagi na niya akong kinukuha. ‘Di n’ya ako nakakalimutan sa mga raket. Kaya maraming-maraming salamat, Evelyn. Maraming-maraming salamat sa napakagandang komposisyon,” pasasalamat ni Renz.


May special performance rin ang EBQ talents sa 30th anniversary ng Ibang Iba Ka Na. Ilan sa kanila ay ang mga batang sina Aerwyna Pearl, Robby Diesta, at Lyndon McLain. Ang tatlong nabanggit na artists ng EBQ Music Production ay nakatanggap din ng award bilang Most Influential Filipino Asian Award.


Si Aerwyna ay walong taong gulang. Nakagawa na siya ng album titled Everyday I Thank You, na composed nina Evie Quintua at Baby Salvanera. Record producer naman si Nicasio Quintua.


May kasamang anim na kanta, kabilang ang kanyang debut single na siya ring title ng kanyang album.


Sa huli, nagbigay ng mensahe si Renz sa mga batang artists ng EBQ Music Production.


“Well, ‘pag meron kang pangarap sa buhay, ‘wag mong tigilan. Uh, meron akong formula r’yan. Patience and prayers. ‘Pag matiyaga ka sa iyong ginagawa at ‘pag sigurado ka na gustung-gusto mo, makakamit mo ‘yan. Sasabayan mo lang ng dasal,” lahad ni Renz.

Bongga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page