Baha, nakakapagod na raw… “FILIPINOS DESERVE BETTER” — WINWYN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | September 4, 2026

Photo: IG _teresitasenn
“Filipinos deserve better,” pahayag ng beauty queen-aktres na si Winwyn Marquez.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Winwyn ang kanyang saloobin tungkol sa mga kalamidad na patuloy na nararanasan ng mga Pilipino at sa mga trahedyang maaaring naiwasan sana.
Aniya, “Nakakaiyak. Nakakagalit. Nakakapagod.
“‘Di dapat ganito. Walang pamilyang dapat mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kapabayaan, incompetence, at kasakiman ng mga taong nasa posisyon at dapat ay naglilingkod sa taumbayan. People deserve better!
“Mother Nature can be unpredictable. We cannot control when disasters happen or how powerful they can become. But we can prepare. We can build better systems. We can act before it’s too late.
“‘Di natin kontrolado ang kalikasan, pero may mga bagay na kaya nating paghandaan at maiwasan—kung ginagawa lang nang maayos ang trabaho. Filipinos deserve better!”
Big tumpak ka riyan, Winwyn!
JANINE AT ECHO, PROUD NA PROUD KAY ALEX EALA
TODO-SUPORTA ang magdyowang Janine Gutierrez at Jericho Rosales kay Filipino tennis star Alex Eala sa laban nito kontra sa American qualifier na si Mary Stoiana sa US Open.
Sa Instagram (IG) post ni Janine, ipinakita ng aktres ang kanyang paghanga at pagmamalaki bilang isang Pilipino matapos ang laban ni Alex.
“Uy, Philippines! Alex Eala 4ever (forever)! Thank you for the happiness and Filipino pride!!!!!” saad ni Janine.
Samantala, hindi rin nagpahuli ang kanyang boyfriend na si Jericho. Sa comment section ng post ng aktres, nag-iwan ito ng mensahe na nagpapakita ng kanyang saya at suporta kay Alex.
“Ang saya ng perstaymers (first timers) (tennis racket & Philippine flag w/ green heart emoji),” komento ni Jericho.
Pinatunayan naman ni Alex ang kanyang husay sa court matapos niyang talunin si Mary Stoiana at umabante sa second round ng US Open.
Isang malaking congratulations, Alex!
Kaya stop na sa panonood ng K-Drama…
KARA, ‘DI NA NAKAKATULOG, MISTER INAAWAY NA RIN
NAGDESISYON ang broadcast journalist na si Kara David na itigil ang panonood ng Korean drama (K-Drama) matapos umano itong makaapekto sa relasyon nila ng kanyang asawa at maging sanhi ng kanilang pag-aaway.
Sa panayam niya sa The Bare It All Podcast ni Dani Barretto sa YouTube (YT), ibinahagi ni Kara ang ilan sa mga dahilan kung bakit niya tuluyang itinigil ang panonood ng K-Drama.
Aniya, una sa lahat ay naaapektuhan ang kanyang oras ng pagtulog.
“Number one, napupuyat ako. Number two, ito, itinigil ko na talaga kasi napanood ko ‘yung The World of the Married. Sabi talaga ng asawa ko, ‘‘Wag ka nang manood kasi pati ‘yung marriage natin, affected. Bakit ka nagagalit sa ‘kin?’” kuwento ni Kara.
Wahhh! Nakakalokah! Boom, ganu’n!
PANIBAGONG milestone ang ipinagdiriwang ng Queen of R&B (Rhythm and Blues) na si Kyla sa kanyang music career sa paglabas ng vinyl edition ng album niyang Next Episode, kasabay ng bagong visualizer para sa kanyang single na Bring Your Jacket.
Ibinahagi ni Kyla ang pasasalamat sa paglabas ng Next Episode vinyl na mabibili sa Backspacer Records. Para sa Kapamilya singer, espesyal ang pagkakaroon ng physical album lalo na ngayon na mas karaniwang nakikinig ang mga tao sa pamamagitan ng streaming platforms.
“As a batang 90s, as a millennial, nare-relish ko ‘yung ganitong pagkakataon na nagkakaroon uli ng physical copies ng albums, especially ngayon kasi lahat, nasa streaming. Iba ‘yung value as when you have a physical copy, you grow with the songs,” saad niya.
Ibinahagi rin ni Kyla na binubuo niya ang deluxe version ng kanyang bagong album na maglalaman ng mga bagong awitin.
Kasabay ng vinyl release, inilabas din ni Kyla ang visualizer ng Bring Your Jacket, isang feel-good song tungkol sa pagpapahayag ng damdamin nang hindi direktang sinasabi ang mga salitang ‘I love you’.
“It's a song about the many ways you can say ‘I love you’ to someone that you like or you love without having to say the words ‘I love you,’” kuwento niya.
Aniya pa, “It’s a beautiful song and it has a good vibe that you can listen to while driving.”
Isa pang milestone ang nakamit ni Kyla matapos siyang ma-nominate sa 2026 Awit Awards para sa Best R&B Recording para sa kanyang awiting Stand Up.
“Masaya ako kasi parang ang tagal na since nu’ng huling nagkaroon ako ng nomination. I’m just hoping for the best whatever the outcome is,” pahayag niya.
Unang inilabas ang Next Episode noong Oktubre 2025 na tampok ang mga awiting Stand Up, Kaya Ko ‘Yan, at Back to Bliss, bukod sa iba pang tracks.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments