top of page
Search
  • BULGAR

Bagyong Inday, hahataw — PAGASA

ni Lolet Abania | September 6, 2022



Isang tropical depression ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes, ayon sa state weather bureau na PAGASA.


Gayunman, sinabi ni ABS-CBN resident meteorologist Ariel Rojas na wala pang katiyakan na ang bagyo ay tatama sa kalupaan.


Sakaling pumasok na ng PAR, papangalanan itong “Inday.”


Sa latest PAGASA bulletin, kumikilos ito ng west-southwestward ng 20 kilometro kada oras, habang namataan ang tropical cyclone ng 1,610 kilometro east-northeast ng extreme northern Luzon.


May maximum sustained winds itong 45 kph malapit sa sentro, at gustiness na aabot hanggang 55 kph.


Samantala, ayon kay Rojas, ang Southwest Monsoon o Habagat ay magdudulot naman ng mga pag-ulan sa buong Palawan, habang asahan na sa Tawi-Tawi at Sarangani ang mga pagbuhos ng ulan dahil naman sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.


Mararanasan naman ang mainit na panahon o sunny weather sa maraming bahagi ng bansa subalit ang mga thunderstorms ay maaaring tumama ng hapon sa Pangasinan, Central Luzon, Panay, Negros, Cebu, Samar, at halos sa buong Mindanao.


Ang mga residente sa Metro Manila ay makararanas naman ng magandang panahon subalit posible ang mga thunderstorms sa hapon o gabi, ayon pa kay Rojas.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page