Bagyong Egay, nag-iwan ng 14 patay, P2B pinsala
- BULGAR

- Jul 30, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | July 30, 2023

Nag-iwan ng pinsalang tinatayang dalawang bilyong pisong halaga ng mga istruktura at produktong agrikultura ang Super Typhoon Egay matapos manalasa sa ilang lugar sa bansa.
Batay sa inisyal na pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa mahigit P1,101,137,970 ang mga nasirang istruktura habang nasa mahigit P833 milyon ang nalugi sa agrikultura.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Egay dahil mayroon pa silang bina-validate na impormasyon sa Region 1.
Umabot na rin sa 14 ang opisyal na naitalang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo, at
hindi kasama ang mga nasawi sa lumubog na passenger boat sa Binangonan, Rizal.
Marami rin ang naitalang nawawala kabilang ang apat na personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) at pitong crew ng isang tugboat na kanila sanang sasaklolohan sa Aparri, Cagayan.
Siyam katao rin ang naiulat na nawawala dahil sa Bagyong Egay sa mga lalawigan ng Benguet, Abra, at Apayao.








Comments